
Calvin Guzman


Hindi! Kasi ako yung type ng tao na ayokong may... Ayokong naisyashine ng ano. Ayokong naispotlightan. Ayoko ng ganun. Pero kasi dahil nga sa personality ko na parang halos ka-close ko yung lahat, kakilala ng lahat, madalang ako napi-pinpoint. Or siguro memorable kasi ako sa kanila. Kaya parang ako yung laging na ano, kumbaga parang ako nga, nakoconsider ko yung sarili was parang introvert pa rin talaga eh. Parang extrovert lang ako when it comes to sa circle of friends. Sa mismong friends. Sa friend group ko. Pero pagka sa ibang ano, kaya parang minsan pagka sa mga labas-labas, gathering, kunwari sa mga librarians lang din, minsan nakaano lang ako. Nakaano lang ako sa gilid, nag-aantay lang ako kung ano may makakilala sa akin. Tapos ayun, kasi ano talaga, kaya parang ayoko minsan talaga yung na-spotlight. Pero hindi ka naman napagkakamalang masungit or mataray? Hindi ko alam. Wala pa namang, may nagsabi na sa akin, hindi ko matandaan. Pero yun lang kasi sabi nila, parang sabi nila lagi, approachable daw ako. Huggable. Wala. Wala. Yun yung madalas na nasasabi nila. Kaya ewan ko kung nasasabihan ako ng unang tingin palang masungit. Siguro minsan. Yung siguro talagang walang idea kung sino ako.
Balancing Visibility and Comfort
