Calvin Guzman

Ano, noong, awkward lang nung una, nung pag-pasok ko dito, akala nila ata straight ako. Parang, ayun, parang, ako kasi, hindi naman ako yung person na nagsasabi na, ah, bakla ako. Ganyan. Parang, sa unang meeting, parang, yung ako, nung unang pasok ko, tinatry kong i-insert sa mga subjects or conversation yung idea na, ah, hindi siya straight, hindi ako straight. Parang, ano ba yung, may moment na napalabas, eh, free ba yung... May moment na napalabas. Eh, free showing yung kay Aga Muchlach dito sa may Film Center. Tsaka si Julia. Tapos parang sabi ko nun sa kanila, hala, panuorin natin yung movie. Bet ko si Aga. Doon sila nagulat na, ay, si Aga pala ang bet mo. Akala ko si Julia. Ganun sila sa akin. Mga kasamahan ko dito sa CMC. First time yun? First time yung nagbigay ng hint. Oo. Tapos natawa ako. Naggets kaya nila yun? Hindi kasi ako yung ma-open na in front of na ano. Hindi ako straight. Kaya alam mo na. Kumbaga parang gusto ko yung… Read between the lines na lang? Oo, read between the lines na lang na ano. Kaya parang actually after nun, nung ano na, nung... kumbaga nung pag-reveal ko sa kanila noon, mas naging ano din sila sa akin. Naging at ease ba as kasama. Kasi parang before pa noon, parang napapansin kong medyo reserve-reserve pa sila makipagkwentuhan sa akin. Kasi siguro nga tinatansya nila kung straight ba ako o hindi. Pero nung inano ko yun, parang yun na. Tapos parang yung conversations namin for the level na ng chismisan. Which is, di ba nga hindi mo magagawa yun kung hindi mo medyo feeling ka-close yung isang person. Yun, parang ano naman yun. Okay. Hindi naman siguro sa professional journey, more on personal ano na siya. Pero in a way, siguro sa professional, connected na siya kasi sa work, mas magaan na yung workflow o pakikitungo ba at ease na din. Parang connected na rin siya.

Identity in the Workplace