Calvin Guzman

Hindi ko din sure kasi dahil, baka dahil din lang dito sa UP na very forward thinking ba, open thinking about dun sa community. Hindi ko lang sure sa ibang institutions, pero sa mga institutions, sa una kang school, very, ano sila, very, ano ba, parang tolerated. May mga faculty din naman ng mga beks doon, may mga kasama kami nun sa ano, pero kasi, ay, ayun pa nga, yung story nung, ayun pala, naalala ko bigla, yung pumalit kasi sa akin dun sa dati kong work, sa first work ko, so umalis na ako, napunta ako sa Ateneo. Yung pumalit sa akin, beks naman siya. Tapos mahaba yung buhok niya. Though feeling ko kasi managerial something lang yun sa boss lang niya. Yung librarian na naiwan doon, medyo mahigpit. Pinagupit sa kanya yung buhok niya. Which is si Ate Mo Girl. Medyo pretty siya na parang pa-transgender. Tapos parang pinagupit sa kanya yung buhok niya dahil lalaki nga na daw siya. Yung pala naalala ko siya. Tapos sabi ko, hala, kawawa naman siya. Eh paano kung ano? Tapos parang after ata non, nag-resign siya. Kasi dahil yung boss niya, may parang, librarian din naman yun, pero ano, very old thinking ano ba? Pang matandang ano. Hindi siya, hindi siya ano siyang LGBT. Yung naalala ko yung story na yun. Kawawa siya dun. Kasi di ba syempre nag-trans... Nag-transition siya. Tapos parang, ang tanga mo ba? Bakit mo pagugupit yung iyon ngayong ano niya? Di ba? Eh pero, kahit naman… Pero hindi na sila pinatawag sa parang director's office? Hindi, alam ko na nag-resign lang siya. Nag-resign na siya. Kasi siyempre, kung ako din naman yun, Ba't pa ako magtitiis kung ganyan yung boss mo? Resign ako agad pagka ganun.

Institutional Culture and Challenges