
Calvin Guzman


Before kasi nung pagiging OIC ko sa reference services namin, yung pag-continue ng, parang standard lang, parang pag-continue ng service, tapos parang pagtaas nung, kaya nung ako yung nag-head, talagang pinursue ko din yung pagiging active sa social media ng library, kaya mas naging kilala siya. Yun din naman yung sabi sa amin ng director namin na parang mas lalong nagiging viral yung mga posts, napapansin ng kung sinong headline kineme ng social media sites, yung mga posts namin. Tapos, highlight ko din noon kasi yung pag-host ng international conference ng Ateneo, ay ng Rizal Library, na hindi ko akalain na mapipili ako kasi parang sabi nila nga din daw parang okay naman daw ako magsalita tas okay naman daw ako when it comes to formalan na situation sabi ko, ano totoo? pinili nyo ko eh ang panget panget ng boses ko kasi nga feeling ko iba yun, hindi match yung voice sa itsura ko yan, pero sabi nila okay naman daw. Hindi siya direct compliment na ang galing niya. Kasi iba din yung ugali niya. Pero alam. namin kung paano siya mag-compliment. Kilala na namin siya. Pero yun, achievement, hindi naman siya formal na may awarding. Yan, yan. Yung certain comment lang na yun na nagpakilig lang sa amin na nanonotice niya. Ginagawa namin yung best namin. Tapos yung best namin na i-recognize, yung welcome sa mga posts. Yun. Tsaka kasi ang kagandahan din nun, yung kasama ko nun sa reference, yung si assistant ko nun na librarian, is friend ko din. Tsaka ano din siya, LGBT din siya. Si Edric. Si Topher Zamora. So kabatch ko siya actually nung college. Kami na yung magkadikit na noon. Tapos swertihan kami yung nagkasama, nang nag-apply siya doon, doon din siya sa reference na assign. So under ko siya. Tapos ayun, nag-click click naman kami kasi kumbaga parang pagka ganun din yung kasama mo sa work, kumbaga ang easy lang din ang communication ha. Pagka kunwari, may sasabihin, Be, gawin natin itong post na ito, na te-trend siya. So sige, pakita mo sa akin, mamaya gawin mo. Tapos yun, ang dali ng communication. Hindi ko alam kung dahil sa parehas kaming beks or ano. Pero ayun, mas madali talaga yung communication kasi nung dati yung boss namin. Though ano siya, straight siya. Lalaki. Kasi iba kasi yung humor ng mga bakla. Di ba yun? Yung mga humor na nag-trend talaga. So yung sa boss namin, though naiintindihan namin na straight siya, hindi niya nagigets yung kung parang pinapropose namin na Sir, ganyan, maganda i-post to. Magiging okay ba yan? Okay ba yan? Kapag ka-reserved siya in terms na pagkakaroon mo yung hint ng kabaklaan sa ano. Kasi yung identity na Ateneo should be formal kineme, ganyan. And nung umalis na siya, take over ako. Lagot. Wala nang reserve-reserve. Kaya ayun, mas naging masaya. Yun, mas napansin. Mas naging ano, yung ano namin nun, dynamics nun talaga. Nung kaming dalawa na ni Edric nung nag- work together dun sa section. Tapos, nakakatawa pa, puro kami lalaki dun sa reference. Though hindi lahat, 100% na lalaki. Okay. Pero hindi siya naging hindrance ba sa pagiging, kahit mga matatanda na, or may edad na yung mga kasama namin na lalaki na straight. Hindi pa rin siya naging hindrance, parang nakuha pa din naman namin, or nakuha ko pa rin yung roles, kasi dati, before ako ma-promote as OIC, ano, parang normal lang din. Pero nung na-promote ako sa OIC, kasi usually chika ng iba, nagiging iba na yung tingin nila. Pero nung ako nun, hindi naman naiba yung tingin kahit nasabihin nila na, ay beks to. Pero parang walang, may respect pa din in terms na kahit na, yun nga, LGBT ang person.
Leadership and Visibility
