Calvin Guzman

So, dati talaga. Nung nag-enroll ako sa college, wala akong idea kung ano yung gusto kong kunin na course, na track, or something, ang pinupush lang sa akin ni Mama noon before is mag-office management talaga ako. Tapos, try ko na lang after a year kung gusto kong mag-shift or mag-change ng path. Pero, yun nga, nung nag-enroll ako sa PUP noon, kasi parang waitlist ako noon eh. So, mga latak na courses na lang yung available. Mga courses ng cooperatives, library science, ano ba, yung Filipino, yung theater arts. Ang gusto ko sanang kunin yung theater arts. Kasi feeling ko, confident ako na mag-acting-acting. Pero kasi sabi naman ni Mama, familiar siya sa course ng library science. Kasi since dito siya sa UP nag-work and sabi nga niya, malalaki, matataas daw yung sahod ng mga librarians. Okay. So, yun na yung nakatatak sa utak ko. So, sabi ni Mama, try ko na lang mag-library science mo na. Tapos yun nga, after a year, mag-shift na lang ako kung hindi ko magustuhan or whatsoever. And sabi niya, plus points daw, yung board course siya. Tsaka yun din yung naka-advertise sa mga ano ng PUP, no? Na board course ang library science. Sure na may trabaho ka, pag-graduate mo, kahit wala ka pang lisensya, ganyan-ganyan. Yun yung, ano, parang naging, ano ko, parang nag-udyok ba? Para sige na nga, mag-library science na. Then, nung parang nag-start na ako mag-classes sa library science, sabi ko, ano ba itong pinasok ko? Pero kasi, nung na-realize ko na over time, very flexible din naman pala yung library science na course when it comes to the real world kasi pwede, pwede ka mag-shift into yun nga, archives, tas yung mga curating ng mga arts tas IT pwede ka rin sa medical setup na library hindi lang siya limited sa schools or academics, tas pwede din sa mga law library yun, yan yung, kumbaga nakakapag-stay na lang din sa akin, tsaka yung idea ng pag nag-shift ka, babalik ka sa umpisa. Kaya hindi na ako nag-shift ulit. Tsaka yung mga friends ko din, nung mga nakilala ko nung ano, hindi na sila nag-shift. Kaya hindi na rin ako nag-shift. Kaya sabay-sabay namin tinuloy. Pero anong year yung parang gusto mo mag-shift? Yung mga second year na. Parang yun na, yung parang mga, may mga kabatch. Kasi nag-start kami as 60-something sa isang batch. Tapos parang nag-second year kami, parang nasa 50 na lang kami. 50, 45 ata. Something. Ang daming na wala kasi nag-shift, nag-drop or whatsoever. Tapos, yun nga, may classmate pa ako noon na nag-shift from here sa a PUP, pumunta dito sa UP. And yung end result noon is bumalik siya as first year. Kahit yung first year na siya dun sa alam. Pero yun nga, sabi namin, ituloy-tuloy na na sa mga kaibigan ko noon. Tapos ending, yun, lahat kaming magkakaibigan, puro mga librarians na rin sa mga top schools din here sa Ateneo, meron sa FEU, sa NU, ako ngayon sa UP. Tapos ayun, ang kulit lang. Ask lang kung sino yung mga batchmates mo na nandito sa UP. Wala akong kabatch. Ah, yung kabatch ko nung first year, yung si Jen de la Paz sa CSWCD. Siya yung kaklase ko nun nung first year na nag-shift siya dito sa UP. After one year. Pero yun nga sabi niya, napag-shift na. Bumalik sya sa first year. Kasi alam ko kasi SLIS din siya. Na ngayon nagma-master's din sa UP. Oo, yun siya. Tinuloy niya din ata dito. Yun parang hindi ko na siya, hindi naman kami masyadong close. Pero yun nga, nakakausap kami dahil taga-UP din kami, parehas nakatira nun. Tapos yan, siya pinursue niya. Eh ako hindi na, tinamad na ako mag-asi-asi kaso. Tsaka okay na yun, nasa PUP ako kasi malaya ako. Dito kasi sa UP, pag nandito ako, bantay sarado ako ng magulang ko eh. Tsaka ayun, hindi na ako makakagala.

Path to Librarianship