
Calvin Guzman


Mga projects ba? Kahit yung mga small initative/ activities. Hindi ko alam pero matagal ko ng naiisip yung awareness ba ng mga people na hindi makapag decide kung ano yung label nila sa sarili nila. Parang awareness ba? Hindi kasi ako parang fully aware sa mga terms or something. Sobrang daming anong nga. Sobrang daming. Hindi ako nakapag-keep up. Ang alam ko lang LGBT. Pero yung mga QII plus lang. Hindi ko alam kung may term ba for someone na hindi niya kaya i-identify ang sarili niya sa isang identity. Hindi ko alam. Or yung idea ng different sexuality, yung identity like yung pansexuality, parang pansexual, ganyan, or something. Yun yung parang naisip kong parang projects ba? Hindi ko alam kung ano pang specific project pero yun yung parang target. Kaya gusto ko yun. Yung... yun. Medyo aligned siya dun sa SOGIE, no? Yung Sexual Orientation and Gender Identity and Expression. In terms of activity talaga na related sa library and...ah... GAD. Di na pa akong technically naiisip. Or naiisip na activity talaga. Pero yun, siguro pwede rin yung i-implement nga sa library. Kasi nga baka meron tayong mga kasamahan dito sa library na hindi pa alam kung paano nila identify sarili nila. Oo. At yung natawa nga ako nung ano, kasi nung parang bago nga lang din ako dito last year. Tapos parang yung ano na, yung month ng June, di ba is? Pride month. Pride month. Ang naisingit ko sa kanilang decoration na inano ko is yung different flags ng identity. Yun yung na-push ko sa kanilang i-decor namin. Kasi parang aligned dun sa- Wait, sa masscom po ba? Oo, dito sa masscom. Yun yung sa idea na sana maging aware din sila sa different kinds of identity. Kasi ako, myself, hindi po alam yung mga... Kaya parang ang pinost ata namin nun is mga different flags ng LGBT community. Tapos different identity. different flags ng LGBT community, different identity. Kasi ang dami na. Nags-search kami, alam nyo, ganito pala kadami. Sabi ko kay JC, ganito pala kadami. Tapos yung pag-print namin ng flag, parang kulang pa. Kasi parang mapupuno yung buong library. Kasi ina-ano namin siya as banderitas. Tapos iba't ibang flag. Tapos yung nga, ang dami pa pala, hindi namin nainclude yung iba kasi ang dami. Kaya sa promotion ng identity, sobrang dami pa din. Pinili lang namin kung ilan yung kayang i-promote talaga.
Promoting Awareness and Inclusivity
