
Calvin Guzman


Moment na na-appreciate both my contribution to the field and my identity. Siguro yun nga lang din sa time nung ako nung ako OIC nung sa reference ng Ateneo, or Rizal Library. Yun, yung medyo ano, nag-host din ako nung Christmas party namin, na parang kami dalawa ni Topher noon. Tapos parang comment lang sa amin. Which is, ang pinaka-essence nun is parang baklaan lang or bardagulan lang. So parang nakuha namin yung assignment na yun. So ending, binardagol ko lang din talaga sila sa Christmas party. Tapos parang dinog show namin sila. Tuwang-tuwa naman sila. Tapos ang pinaka-comment nila is yun daw ang pinakamasaya ng Christmas party nila so far. Yan siguro parang kinuha kami dahil kilala nga kami sa dynamic namin ng Bardagulan. Hindi ko alam kung work-related pa rin naman siya somehow. Kasi ayun, parang yung comments na, ang galing niyong dalawa. Parang ang saya ng Christmas party ngayong taon dahil sa inyo. Ganyan. Ayun, yun yung natatandaan ko talaga.
Recognition
