Chelsea Bonifacio

Siguro, unang-una is, huwag silang matakot i-identify yung sarili nila, kung paano nila gusto ma-identify yung sarili nila. Sa akin kasi very important yun. Kasi sa mga nakikita ko rin, sa observation ko sa mga ibang tao, sobrang importante na i-declare mo na sa umpisa pa lang kung sino ka. Well, not considering yung mga tao, syempre, hindi pa nila sigurado kung sino sila. Pero, yun, siguro, kasi sa profession natin, hindi, maliit lang kasi yung profession natin eh. So, hindi natin talagang maiiwasan na may mga makakatrabaho ka na iba yung pananaw, lalo na yung mga tenured nating mga kasamahan. Kasi, inisip ko lang, in comparison to the other professions, lalo na yung mga nasa typical office setup, yan yung mga nagtatrabaho sa mga BPO's, mga nagtatrabaho sa mga like, kung ano yung mga ano ngayon, like yung mga, sige, yung mga dyan sa Makati, yung mga dyan sa BGC. Kapag naglakad ka dyan, makikita mo sobrang ano na eh, sobrang diverse na ng mga tao eh. Tapos yung mga, true, yung mga ah, opisina dyan, yung mga corporate offices, sobrang open sila sa mga ideas na minsan nga mas marami pa eh. Mas marami pa yung straight sa queer eh. Parang tsaka masaya silang nagkakaroon ng mga empleyadong queer kasi feeling nila. Kasi yung mom ko, ang trabaho siya sa isang BPO. And medyo, syempre matanda na siya. So yung mga mas mababa sa kanya, lagi niya sinasabi sa akin. Sa HR kasi siya, lagi niya sinasabi sa akin. Alam mo, mas gusto ko pang nag-hire ng mga bading, kasi sa mga straight, yung mga straight, ganyan-ganyan, di sila masayang kausap, ang boring nila, masyado silang seryoso, pero yung mga ganito, sila yung nagbibigay ng saya sa trabaho, parang, alam mo yun, nakakalimutan mo yung oras, kasi parang ang dami-dami nilang gusto nga gawin, ang dami-dami nilang ideas na nabibigay sa table na hindi, hindi, I mean, very creative, at hindi yung mga typical na mga ideas na kinagisnan niya before. So yun yung lagi niya sinasabi. And nakucompare ko siya dun sa mga supervisors natin dito, na parang takot pa rin talaga silang, di naman sa takot na takot, pero hindi pa rin maiiwasan sa kanila na maging reserved sa pagkakaroon ng mga, pag-entertain ng mga ideas na medyo malayo doon sa kinagisnan nila. Lalo na kapag nanggaling sa mga queer people. So, para sa akin, nung magbibigay kong advice sa kanila, huwag silang matakot mag-put ng ideas sa table. Huwag silang matakot na ipakita kung ano yung kaya nilang ibigay doon sa profession. At kung meron mga mga tao na huhusgan sila or makakarinig sila ng mga negative na mga bagay tungkol sa identity nila, eh, huwag silang magpa-apekto. Lalong-lalo na, kasi syempre tayo sa academe, di ba? Ano lang naman yan, eh, it's either sa government ko, or sa private ko, or sa Catholic institution ko. Yun lang naman sya kapag sa academe ka. Lalo na kung napunta ka doon sa, kasi, si Yeds, like before, sa Catholic, nasa-share niya sa akin kung paano yung pag-handle ng mga Catholic administrators sa Catholic school sa mga ganong tao. Tapos ako parang medyo grabe, no? Parang hindi yun yung tamang lugar kung saan. Well, hindi ko naman sinasabi, hindi naman natin maiiwasan. Pero feeling ko lang hindi yun yung tamang lugar kung dapat nandun sila.

Advice for Aspiring Professionals