Chelsea Bonifacio

Ayun, yung na-mention ko kanina, yung pagiging part ng GAD Committee. Tapos, yung GAD Committee kasi natin dito sa Diliman, I mean sa University Library, sa nakikita ko rin dun sa mga ibang GAD committees, sa mga ibang colleges, feeling ko, medyo mas active tayo. Lalo na yung involvement natin with DGO (Diliman Gender Office). Yung sa university-wide na impact. Feeling ko mas nag-exert tayo ng effort compared dun sa mga ibang colleges inside the university. So, kung meron mga project, well, ito, excited ako dun sa paparating nating project. Kung, well, matutuloy siya kasi nag-grant na yung fund. So, magkaroon tayo ng specialized GST or gender sensitivity training for library staff, kasama dito yung mga admins, yung mga ibang REPS. So, kahit na nagkaroon tayo ng mga university-wide GSTs, feeling ko importante pa rin kasi talaga na magkaroon tayo ng specialized. Lalo na yung mga magsasalita sa atin ay part din natin dito sa opisina, mga librarians din. At alam kung ano yung mga day-to-day processes natin, mga day-to-day experiences, interactions. Mas lalong matututukan. At also, yung mga taong to na closely working with us, alam nila kung ano yung mga internal issues na kailangan i-address. So, ayun, excited ako. Sana by summer magawa natin siya.

Advocacy and Representation