Chelsea Bonifacio

Well, yung gender stereotypes feeling ko nandun pa rin naman talaga like sa dito kasi sa mainlib (Main Library), sa, sa atin dito sa loob, medyo, kilala na kasi natin yung isa't isa. Like, alam natin kung ano yung strengths ng bawat empleyado, kahit babae pa yan o lalaki. Alam natin kung saan natin sila ilalagay. Pero outside, minsan kasi, may mga projects na involved kami. For example, kinukuha kami as volunteers sa mga external events, like, kunwari sa PAARL, i-ta-tap kami ni ma'am Eimee (Lagrama) sasama nya kami sa mga general assemblies ganyan, tas working committee kami so with that hindi namin maiwasan na doon sa committee may mga ibang taong involve na hindi syempre tayong kilala pero kailangan natin mag work professionally so minsan like for example ako, sanay akong gumagawa ng mga tasks na hindi masyadong feminine. Like kahit pagbuhatin mo ako ng mga equipment dyan, pag takbuhin mo ako sa mga, bigyan mo ako ng mga runner tasks, okay sa akin yan. Pag-operate-tin mo ako ng mga equipment, sound equipment, photo, video, okay sa akin yan. Pero kasi sa atin, parang nakikita natin laging gumagawa ng mga ganon, mga lalaki. So, hindi natin maiwasan na minsan, hindi nila binibigay sa akin yung mga ganong task. Tapos, medyo nangangati ako, kasi alam ko na kaya ko eh. So, parang minsan, hindi ko alam kung paano ko i-explain sa kanila na, hindi dahilan yung pagiging babae ko, or nakikita nyo ako as babae, para hindi ko magawa yung mga task na yan. So, yun lang naman nakikita kong challenges sa ngayon. Pero being part of the LGBTQIA community, syempre, hindi pa rin natin maaalis na meron pa rin talagang mga challenges na, I mean, kahit naman sabihin nila na hindi nila dinidiscriminate or tinatanggap nila. Minsan, lalo na yung mga administrators natin, yung mga bosses natin, they always go doon sa nakasanayan na. Parang natatakot pa rin sila na, for example, well, example lang naman to, palagay mo ba, kukuhanin nila someone na out na queer na maging face of the university library. Parang yun. Since, syempre, palagi kaming, lagi kaming sa Stratcom, palagi kaming gumagawa ng mga marketing, publicity materials, mga publicity stunts. Parang, syempre, maingat pa rin kami sa pag-represent ng university library. Kasi, alam naman natin na hindi pa lahat open dun sa idea na diverse na yung, ano, yung profession, diverse na yung community at iniiwasan lang natin na magkaroon ng, alam mo yun, parang, oh, sa diliman, may mga ganito na silang ganyan. Parang, lagi pa rin tayong dun sa kung ano yung norm. Ano yung norm? Ano yung norm? Parang ganyan. Para safe.

Challenges and Resilience