
Chelsea Bonifacio


Sa... Una muna, focus na lang ako dito sa atin sa Pilipinas. Kasi sa ibang bansa, medyo ano na sila eh. Ahead-ahead na talaga sila. Hindi ko alam kung paano ay na-identify ni Emily Drabinski yung sarili niya. Pero feeling ko, queer siya. Hindi pa ako nagkaroon ng research sa kaniya. Queer siya, actually. Yun. So, parang sa kanila, very open na sila. Parang siya very open siya into sharing mga ganyan. Doon sa internationally, parang medyo malayo na kasi tayo. Pero dito locally. Personally, feeling ko sobrang laki ng future ng librarians into dito sa LGBTQIA plus representation. Kasi sa totoo lang, sobrang ano na eh. Sobrang, ewan ko ah, sobrang dami ng librarians na part ng community na nag-excel talaga sa kung nasan sila. Like, ikaw, mhie. O, tingnan mo patapos ka na sa thesis mo, ay sa grad school mo. Like, kahit ayoko silang i-out, kasi hindi ko rin naman ako sure sa mga identities nila. Pero yung mga young librarians natin ngayon, like, for example, si Nikko (Lastimosa), out naman siya. Grabe nag-excel siya sa kung saan niya gustong, and kung magfocus siya as, I mean, kung itutuloy-tuloy niya kung nasan siya ngayon, malayo din yung magiging mararating niya at mararepresent niya yung sarili niya as member ng LGBTQIA plus community and also a librarian. Parang dati kasi parang sobrang, ano eh, baba pa ng tingin ng mga tao sa mga ganitong klaseng, I mean, sa mga tao na kino-consider nila as part sila ng ganitong community. Pero ngayon, hindi eh, iba na eh. Yung mga iba rin, kung may kita rin sa social media, yung mga librarians na nag-e-excel sa, for example, publishing papers, yung may mga personal advocacies, though di ko alam kung in-identify nila yung sarili as member or hindi pa sa ngayon. Pero nakikita ko na sobrang laki ng potential niya. Although, syempre, hindi pa rin natin maaalis na syempre, part kasi tayo na academe, sinabi ko kanina. May mga reservations pa rin. For example, kung nag-work ka, for example, sa school library, syempre, may mga magulang na hindi masyadong comfortable na pinapakita mo na ganito kaka-open dun sa mga kabataan. Ayun, hindi pa rin natin maiiwasan. Pero, I mean, sa ngayon, feeling ko malaki yung potential ng representation, lalo na sa profession natin. Kasi, ang stereotype ng LIS profession is puro babae. And now, nakikita nila na may mga ganito na, hindi lang babae at lalaki, pero meron ng mga ganitong librarians na nagpapakita ng potential.
Future of LGBTQIA+ Representation
