Chelsea Bonifacio

Somehow naging influence din siya. I mean, naka-influence siya dun sa professional journey ko. Kasi feeling ko, although librarian ako, hindi ako gumawa, well, kasi medyo stereotype yung librarian, di ba? Pag sinabi ng librarian, laging babae na tahimik, na ganyan. Pero kasi nakikita ko sa sarili ko, yung mga responsibilities at mga tasks na ina-assign sa akin ngayon, hindi siyang masyadong dun sa part ng typical. Wala yung sa technical? Oo, yan. Wala masyado yung mga naisip natin na basic tasks ng mga librarian. Dito kasi sa Diliman, parang sobrang dami nating work na pwedeng maging involved ka. Like, ang daming committees, ang daming... Aside from being a librarian, although librarian yung item natin, ang daming mga extra tasks pa. Feeling ko, kung saan papunta yung career path ko, feeling ko naka-influence yung identity ko. Kasi, like now, heavily involved ako sa mga technical sa mga events, sa paggawa ng mga events, sa paggawa ng mga production materials, ganyan. So, yun talaga ang forte mo? Oo, parang doon na rin ako napunta. Noong pumasok ako dito, sobrang basic lang naman yung alam ko sa mga ganyan. Pero feeling ko, since doon na napunta yung career path ko, doon na rin napunta yung interest ko. Mas nahasa pa. Ang galing-galing mga sa mga ganyan (publication materials). Uy, mhie. Ikaw talaga ang idol sa mga (tasks na iyan). Di mo kaya. Stress na stress na. Nag-w-work ka ba, beyond working hours? Dito kasi hindi mo talaga maiiwasan. Kasi minsan, pag hindi mo naman siya ginawa sa bahay, wala, pagkarating mo dito, maubos lang din yung oras mo. Feeling ko kasi yung paggawa ng mga ganyan, publication materials, mga videos, ano e, parang magsisimula yung trabaho mo sa pag-iisip e. So pag sa bahay, minsan, magsisimula yung trabaho mo sa pag-iisip eh. So, pagsa bahay, minsan, nagbabrowse ako ng mga pwedeng peg, gumagawa ako ng mga mood boards, tapos pagkarating dito, doon ko na lang siya gagawin.

Identity and Career