Chelsea Bonifacio

Feeling ko ano, sa literature, kung mapapansin mo kasi, wala pa masyadong literature on LIS na focused on LGBTQIA. Lalo na dun sa, actually sa GAD nga, medyo konti pa din eh. Kasi sa experience ko, since yun nga, nagma-master's ako sa isang Catholic institution, sa UST. Minsan, nag-search ako ng mga available na mga thesis and dissertation na published dun sa school kung saan pwede akong maghanap ng mga references. Wala eh. Inisip ko nun na, okay, baka nga dahil Catholic institution siya, hindi sila masyadong open into publishing papers on these topics. So, tinry kong mag-search sa mga databases, sa mga research journals, sa mga scholarly publications. Wala pa rin talaga. Konti lang. Konti lang ang nagsusulat on gender and development. Lalo na sa mga LGBTQIA+, sa literature natin sa LIS. And I think, kung meron man tayong mako-contribute as members of the community, dun sa profession, is to create more research or contribute to the literature para mas mapalawak pa rin yung kaalaman ng mga ibang tao tungkol sa mga LGBTQIA plus librarians.

LGBTQIA+ Contribution to LIS