Chelsea Bonifacio

So, nung college ako, ay hindi, pagka graduate ko ng high school, sobrang wala talaga akong ano, wala akong course in mind. Pero, alam ko nung high school na gusto kong maging engineer. Yun yung nasa isip ko. Pero kasi sobrang ano ko eh, like happy go lucky. So parang grumaduate ako ng high school, ginaguide pa rin ako ng, kahit first born ako, ginaguide ako ng parents ko kung saan ako pupunta. So ang ginawa ko lang is nag-apply ako sa mga universities ng entrance exam. Tapos nilagay ko lang engineering. Parang ang naalala ko nilagay ko yata ay IEE at ECE. Tapos hindi ko alam na quota course yun. Wala talaga idea. So tinake up ko siya. Tapos nag-USTET sa UST. Tsaka sa UP lang ako nag-exam. Sa UP di ako pumasa. Tapos sa UST pumasa ako sa exam. Kaya lang di ako nakapasok sa quota. Tapos parang binigyan kami ng list of courses na pwede pang mag-enroll. Eh yung mama ko, parang ako kasi wala akong, wala akong case sa school. Parang okay, gusto ko lang mag-aral. Bahala kayo sa akin. Yung mama ko, gusto niya talaga akong pumasok doon sa university, sa UST. So parang, siya na yung nag-ayos ng papers ko. Pinakita ko sa kanya, okay ma, ito yung mga courses daw. Anong tingin mong okay? At siya na yung namili. Tapos, yun na, pinili niya yung LIS. Tapos,nag-enroll na lang talaga ako. As in nag-enroll na lang ako. Hindi ko alam kung ano yung LIS. Tapos pumasok ako sa first year. Ang isip ko, parang medyo nag-sync in na sakin kung ano yung LIS. Tapos parang feeling ko, parang di ko masyadong vibe. Kasi di yan yung forte ko. Di nga ako nagla-library. Tapos, hindi rin ako mahilig magbasa. Yun talaga yung pinaka-weakness ko magbasa. Sobrang iksi ng attention span ko. Di ko kaya magbasa nang mahabang text. Tapos, sabi ko mag-s-shift ako. Pero hindi rin ako... Anong year yun? Anong year yung? First year, 2012. I mean, first year ka pa lang. Gusto mo na mag-shift. Oo. Pero kasi hindi ako pwede mag-shift ng first year, first sem. After first sem.Kailangan kong tapusin yung dalawang semesters. Tapos, after nandito pa lang ako mag shi-shift. Eh, dahil nga, parang, hindi ako masyadong... Ang weakness ko kasi talaga yung mga papel-papel, pasa-pasa ng mga, kung anek-anek ng mga legalities. Yan ang pinaka ayoko sa lahat. So parang pumapasok lang ako. Well, thankfully, pumapasa naman ako. Tapos nakalimutan ko na siya. Parang importante lang sa akin noong time na yun is pumasa. So, first year, hindi ako nakapag-apply ng shifter's exam. Kasi magtatake ka nun eh para makapag-shift ka sa ibang course. Kahit anong course, merong exam? Oo, meron talaga yung shifter's exam. Tapos hindi ako nag-apply. Wala, naabutan ako ng deadline. Tapos parang tinuloy ko na lang siya. Kasi parang okay naman. Parang okay naman yung... Meron siguro, as teenage pa ako noon, parang bata pa, ang importante sa'kin parang, okay naman yung mga tao eh. Okay naman yung mga kaklase eh. Wala namang problema. Hindi naman, I mean, di naman boring yung... Parang yun yung issue sa'kin noon, barkada, ganun talaga. Okay naman sila. So di ko na lang sila alisan. So hanggang sa natapos, hanggang sa nag-fourth year, yun. Parang tinuloy-tuloy ko na lang siya. Tapos parang ang isip ko, nang grumaduate na, okay, siguro mag-masters na lang ako ng ibang degree. Kung gusto ako talaga lumipat ng profession. Pero, hindi pa rin. Nag-MLIS pa rin ako. Ewan ko ba. So, yun. Pero meron kang org sa UST? Wala. Sa UST kasi hindi masyadong ano yung orgs. Unlike dito (sa UP) na parang sobrang laking part ng student life yung orgs. Doon hindi. Parang ang orgs doon, yung nakatali pa din sa courses mo. Wala yung university-wide? Meron pero hindi siya kasing active. Active siya, kasing lawak ng mga orgs dito (sa UP). Okay, since you mentioned yung MLIS, so nag-MLIS ka dito sa university, sa UST. So, kailangan ka nag-start? Parang 2019, tapos nag-stop ako nung pandemic..2020. Hindi, 2018 pala ako nag-enroll. Tapos nag-stop ako nung 2021 nung nag-COVID. Ngayon, tinutuloy mo yung MLIS mo? Next sem. Kasi ngayon dapat. Kaya lang, hindi kami pinayagan mag-enroll ng second sem. Kailangan daw first sem. Sobrang busy mo ngayon? Thesis na lang naman. Sana walang refresher courses. Sana. Usually ba pag refresher course, ilang dapat yung years na hindi ka-active? Kasi sabi nila, tinatanggal na nila yung sa bilang yung pandemic eh. So kung ganun, baka isang three unit lang. Isang three unit na course. Isang three unit na course yun lang.

Path to Librarianship