
Chelsea Bonifacio


Actually, wala naman like exact moment. Pero, yung moment siguro na feel ko na appreciated at seen yung LGBTQIA plus community sa profession is nung pumasok dito sa Diliman. Kasi since nag-aral ako sa Catholic school, since elementary hanggang college. As in sa mga madre, sa mga pare. Tapos nung nagtrabaho ako dito sa Diliman, dun ko nakita na meron palang gender and development team or committee na nagsusulong ng mga karapatan ng mga kababaihan at ng LGBTQIA+. Noong pumasok ako dito sa Diliman, nagulat ako kasi naabutan ko pang chair nun si ate Aiz (Aiza Palaya). Nagulat ako kung... Ate Aiz Palaya. Ate Aiz Palaya pa. Nagulat ako kung gano'ng ka-active yung pagsulong ng mga karapatang ganito para sa mga empleyado. So, nakita ko na merong isang community inside the librarian profession na, alam mo yun, parang safe space kung saan pwede kang magsulong ng mga activities, magsulong ng mga awareness programs para mas mapalawak yung kaalaman ng mga taong hindi part ng community, lalong-lalong sa profession natin. Kasi like, tayo syempre dito sa ULGAD committee, ang primary audience naman natin is, ang primary target audience natin is yung mga empleyado na kasama rin natin dito sa diliman. Para mabigyan sila ng nararapat na knowledge, nararapat na information, kung ano yung mga dapat nilang alam, dapat nilang gawin at hindi dapat gawin. So, nagulat ako na may mga ganun. Yun lang. Parang, actually, naging eager ako maging part ng committee kasi hindi ko inakala na may mga ganun grupo na nag-exist within the profession.
Recognition and Visibility
