Chelsea Bonifacio

Feeling ko wala namang malaking influence pero siguro malaking bagay na bago ako dumating dito di ko tinago yung sarili ko. Although hindi naman ako open na nagsabi, 'guys, queer ako ah, everyone queer ako.' Pero hindi ko sya tinago like may magtatanong, sasabihin ko, pero nakikita naman nila kung paano ako kumilos, paano ako magsalita. Paano ako makitungo sa kanila. So, feeling ko malaking bagay yun na nakita nila nasa umpisa, pinakita ko na kung sino talaga ako. Kaya, hindi sila nahirapang makitungo sa akin. Well, sa community naman, gusto ko siyang i-relate dun sa clients na sinaserve natin. Minsan, tinatanong ko nga yung mga sa baba, like yung mga office mates natin. Tinatanong ko, pag nakita mo ba ako sa Zoom, isipin mo ba na queer ako? Sabi ko, sabi nila bakit? Kasi, pag kunwari nag-RME, nag-orientation, e, na-address nila ako as Mx. Hindi ko naman pinapakilala yung sarili ko as ganun. Parang in-address nila ako ng gender neutral. Ikaw ba yung na-address ka ba? Hindi naman, mini-Ms. naman nila. So, ibig sabihin, yung mga estudyante, medyo ano sila, sensitive sila sa ganun, tsaka aware sila kung paano nila i-address yung mga tao din sa paligid nila.

Workplace Dynamics