Chelsea Bonifacio

Siguro ano, hindi mo talaga ma iiwasan yun eh. Pero kasi kung mapapansin mo, like ngayon, lalo na dito sa ISAIS at StratComm, halos mga bata na kami, like yung generation medyo bumata talaga. Although may mga naiwan pa rin talagang mga ibang generation, like mga boomer generation, Gen X, ganyan. Hindi mo mai-iwasang magkaroon sila ng, hindi naman negative connotation, pero minsan hindi sila sensitive sa mga words nila. Pero so far naman, na-ha-handle ko. Minsan may mga parang mga below the belt na comments. Although di naman siya directly pointing towards me. Pero syempre, member ka ng community. So parang medyo magpapantig yung tenga mo. Pero mahirap kasi silang i-call out randomly. Feeling ko kailangan nila ng maayos na platform para i-call. Kasi minsan tinitake nila yun personally pag kin-call out mo sila. Lalo na in the middle of the conversation na may ibang tao makakarinig. Tapos parang i-call out mo sila. Medyo ititake nila yun personally. So parang minsan, parang makaiwas na lang din sa mga personal conflicts sa trabaho. Parang okay. Basta hindi ako yung inaatake mo. Okay na ako. Pero at the back of my mind Gusto ko rin isipin na hayaan mo meron ding tamang oras na marirealize mga mali yung mga sinasabi mo.

Workplace Perception