
Deil Martin Carandang


Grabe. Wala naman masyado. Pero siguro, medyo nakakatuwa na ang daming. Puro opportunities, di ba? Yan yung kagandahan sa UP. Ngayon, parang sobrang daming opportunities na binibigay sa mga tao, regardless. Pero siguro kung sa akin, siguro nga dahil medyo open naman ang gay man ako. Well, medyo obvious. Medyo obvious sa makeup, sa pananalita, at sa dines. Ay, talaga? Bakla ka? Hala. Hindi ata ako out. Ngayon, parang dumami yung hindi ako talaga into hosting. And I won't say na medyo marunong na ako mag-host now. Pero medyo happy ako sa experiences na binibigay sa akin ng main library and ng College of Music dito sa UP. Na pag may mga kahit small gatherings lang, medyo may participation tayo sa mga ganap. Either part ka ng committee or subcommittee or host ng General Assembly. Parang medyo so far hindi pa ako nawawala sa mga committee works mula nung nag-start ako. Parang the first time na nalipat ako dito sa College of Music, ginawa agad akong host din ng General Assembly, Christmas Party. Tsaka medyo marami. Marami akong naging parte na committee. Lalo na ng the previous year. Pero medyo, hindi naman lahat. Sobrang active. Kasi syempre may mga committee na ayaw mo naman sana na magkaroon ng work kasi parang about issues ito. So ayaw natin nung hanggat maaari, wala, di ba? Tapos siguro, isa sa medyo proud din ako na naging accomplishment nitong medyo recent lang, itong sa amin sa College of Music Library. Nagkaroon kami ng Music Library Matinee Series. O yung, ito ay a series of small concerts within the library. Kumukuha lang kami ng help from the students and faculty ng college. Tapos, wala itong bayad kasi hindi pa namin ito na-ilalapit for grants. Pero, happy naman kami na naitawid namin yung five concerts na ito for the last semester ng 2024-2025. First time, first time yun. Na kahit walang bayad, siguro malaki tulong din na may partnership kami sa isang faculty na aming artistic director. Plus factor na lang din na medyo, hindi rin kami basta natanggihan nung mga estudyanting na kuha namin kasi siguro visible nga kami sa college. Kung di ba kung hindi ka naman nila kilala, ba't sila papayag for a free show na magpe-perform kami, maglalaan kami ng oras, tapos walang bayad, syempre, performers. So, yun, medyo happy kami dun sa project na to kasi ito yung naging other way namin to promote the collection ng library. Kasi syempre, medyo far different from the regular library kasi wala naman kaming katulad ng collection. I mean, meron kaming mga music scores, mga audio. So, ano siya? Initiative siya ng music library? Mm-hmm. Na-acknowledge naman siya ng upper management niyo? Mm-hmm. Itong, itong, medyo vague pa siya nung pandemic. Tapos, na-bring up ko to kay, sa aking boss, kay ma'am She (Sheree Ann Laguatan). Tapos, pinag-usapan namin siya na gawing i-project to promote. Kasi, parang, sakto yung aming bagong dean. Naghahanap siya ng projects na parang, ano ba yung mga okay na projects na medyo iba from the other college units na malay natin, baka naman masama tayo dun sa mga awards, di ba? Dahil nagbe-benefit naman ang college, hindi naman lang ito ay dahil para sa award, pero para din talagang mag-contribute sa ating nasasakupan. So, happy kami kasi na-approve ito ng upper management.
Career Milestones
