
Deil Martin Carandang


Sa UP libraries, so far, may mga mararamdaman ka naman na hindi comfortable sa'yo. Pwede kasing, medyo lumawak na lang din siguro yung understanding ko na pwede kasing meron silang previous experiences with the members of the community na baka kaya naiilang sila na or baka kaya ganun yung pakikitungo nila sa'yo. Pero wala naman so far na, meron ba? May drastic ba? Siguro, hindi kong masabing ganun eh kasi hindi siya direct. Pero may time na parang may mga remarks din sa among my colleagues na ganoon. Pero minsan iniintindi ko na lang. Paano mga remarks? Siguro pag may mga random lang katuwaan or random na events, magkakasalubong kayo, magkakasama kayo sa trabaho. Parang, eh kasi bading kayo eh. Mga ganong remarks o kaya bakit ganito? Kasi, or bakit yan yung nagkaano? Kasi bading-bading naman.
Experience in UP Libraries
