Deil Martin Carandang

Paano ba? Siguro ito nga, yung pagiging bakla. Kasi ngayon, di ba parang pag sinabing, “bakla!” Parang may kaakibat siya ng pagiging jolly, kaakibat ng pagiging active. So siguro yung sa atin, at least siguro sa atin sa Philippines, sa librarianship sa Philippines, ang feeling ko, ang laking factor na may mga jolly na bading, na active na gumawa ng mga events, parang mas nakakatulong, mas nakakadali mag-approach sa community, sa mga tao, na pagkailangan mo ng mga ganitong help, kahit sa outreach, di ba? Parang hindi siya ganun kadali, pero somehow, hindi zero yung ano, di ba? Hindi siya yung walang-walang help. Kumbaga, ang laking factor niya na parang napapadali yung mga ginagawa. Kasi parang ang dali makipag-usap. Ang dali nang mag-reach ng kung sino-sinong community, kung sinong point person. Madali kung parang ipopoint ng mag-usap. O, sino mo? Ito, si ganyan. Kasi, ano, kaya-kaya niyong baklain yan. Ganon, di ba? Totoo. Kung baga, parang, mas comfortable, in a way, mas comfortable yung mga clients natin o yung ibang tao na makipag-usap sa atin. Nagiging, ano, kung baga, siguro, sa mabulaklak na pananalita, parang, nagiging makulay yung activities at services ng libraries. Dahil na rin siguro sa tulong ng LGBTQ+.Oo. Parang nakaka-gaan ng loob, feeling ng mga tao. Dahil, “ay, masaya yan kasi may mga bading.” Di ba? Yung mga sinasabi ng mga titas of Manila, “ay may bading, saya yan. Masaya pag may bading. Go tayo dyan.”

LGBTQIA+ Contribution to LIS