Deil Martin Carandang

Siguro, ano, I started with really zero background with LIS profession. Kasi back in college, hindi ko naman alam na merong specific degree for librarianship. And, during paghanap ng schools where mag-exam, nag-recommend ang aking tita, sister of my mom, kasi yung husband niya, yung mga relatives niya halos puro na sa industry ng library. Ano? Tsaka, may mga relatives din kami sa publishing. So, ganun din dun sa side sa husband ng tita ko. So sabi niya, oh ano ito? At that time, mga 2010, 2011, sabi niya, in demand to. So try mo, try mo kasi may board exam. Pwede kang maging librarian, pwede kang researcher, pwede kang archivist. Ganun yung mga... Future work. Future works na nabanggit niya sa akin. Pero at that time, wala ko idea kung ano bang gagawin ko pag ganoon, di ba? Pero siguro yung what pushed me to try, kasi I remember meron akong siguro experience sa library, the earliest na naaalala ko nung grade 2, na naiwan ako ng school service kasi yung isa kong classmate, isinama ko sa library na hindi ko naman nabibisita. Nung pag-visit namin, parang nag-wander ako dun sa loob, tapos nawala kami sa oras. Na meron nga pala akong sundo. And wala naman tayong, noong grade 2, syempre, wala naman tayong mga cellphones pa nun eh, diba? So, syempre, panic yung mga tao, parents ko. And, ay, hindi na alam na, during that time, nag-enjoy ako sa loob ng library, kahit wala naman ako pang talagang binabasa. Then, siguro yung pag sinasama kami sa work nung mom ko, hindi kami pwede mag-stay kasi mag-occupy kami ng seats meant for customers. So usually sa mall ito, sa food industry. So nag-stay ako lagi sa PowerBooks. Wala na atang PowerBooks ngayon pero nag-sstay ako before sa Power Books kasi dun usually free yung magbasa. Naka, walang sealed yung mga books. Kaya yun sabi ko, sige, try ko kasi mukhang ma e-enjoy ko naman yung profession. Then, yun nga, nakapasok ako sa degree, ay, sa program. Nakapasok ako sa program. And, siguro sa tulong din ng mga professors na meron ako. So, na-enjoy ko yung journey ko na hanggang sa makagraduate. And, finally, nag-work na nga ako. Kung specifics nun, siguro medyo iba-iba yung pinanggalingan ko na ano eh. Sa internship ko, nag-start ako sa, syempre sa alma mater ko, sa University of the East, Manila. Tapos nag-OJT kami. Nag-internship kami sa Mowelfund Film Institute. So nag-work kami sa library and sa film archives ng Mowelfund. Then nag-national library din kami. So medyo diverse naman siya. Ang dami mo palang internship? Tatlo lang. Tatlo. Required yun sa curriculum nyo? Kanya-kanya kami nang hanap. Required yung in-campus ng 200 hours. The remaining 200 bahala kami kung hahatiin namin siya. Ang lala 200 hours kayo? 400 lahat. Tapos yung first work ko ay hindi related sa mga experiences during my internship. Which is napunta ako sa medical library sa St. Luke's. Then, mejo iba yung experience pero masaya kasi siguro dahil siguro yung environment is student-centered. Na enjoy namin yung talagang full yung pag support sa service, sa library service sa mga estudyante. And nakakahappy pag maraming pumapasa sa board exam na tama yung mga kinucurate mo na sa acquisitions. Pwede i-pause it. Ongoing naman, no? Yeah. Yun, tapos nung lumipat na ako dito sa University of the Philippines, na main library, medyo iba rin yung experience kasi at that time, pandemic. So, wala pa yung full experience ng university talaga na library. But after 7 months, nalipat ako ng music library. And medyo iba rin yung culture again. So, masaya naman. Masaya kasi ibang iba bawat napupuntahan ko na environment. Although, pare-pareho lang naman itong library. Iba-iba pa rin yung kultura ng mga bawat pinagsisilbihan natin na clienteles.

Path to Librarianship