Deil Martin Carandang

Sa students, halo din, kung itatrack ko from my first work naalala ko meron dun isang may parang kagagraduate lang niya. Pero kasi sa medicine kasi hindi naman natatapos sa pag-graduate nila ng school. Siyempre mag-apply pa sila ng residency programs. Tatagal sila doon. Merong nakapansin na nakamakeup ako. Hindi niya sa akin directly sinabi. Pero sinabi niya doon sa isang staff, sa colleagues ko. Parang sabi niya, bakit yung pinapayagang mag-makeup yung staff nyo? Bakit yung pinapapasok ng lipstick? Bakit yung pinapasok ng naka foundation, whatever… Nasabihan naman ako nung mga colleagues ko at saka nung boss ko nung time na yun na medyo mag-tone down na lang ng makeup. Pero, okay lang naman daw na hindi totally alisin. Kasi parang ako naman, ang justification ko naman, ang justification ko naman doon, nung nag-apply ako sa inyo, ganito na ako. Nung during interview, wearing na ako ng makeup. So, ano bang bago or ano bang mali doon? Parang meron ba akong rule na hindi nasunod? Parang ganun. Or kung nakaka-apekto ba yung makeup? O kung ganun ba, yung pagiging gay ko ba yung problema na hindi siya makalapit sa library services dahil nandun ako sa counter at ayaw niya akong makita. May mga ganun akong questions sa sarili ko noong time na yun. Pero eventually, nakikita ko naman siya pero hindi naman namin kailangan na kami.. Kami yung talagang magkaharap. Kung hindi niya ako preferred na mag-serve sa kanya, pwede naman siya sa iba lumapit. Pero may mga tingin na hindi masyado comfortable. Siya ba yan? O ibang taong? Yun, yung person na yun. Pero eventually naman, yung mga friends niya sa library, parang okay naman sila sa akin. So eventually na, hinahayaan na lang yan din ako. Thank you sa sharing mo yan. Ang hirap nung ganun. Parang makakapekto ba sa services natin? Yung mga inooffer natin. At saka lalo na yun kasi fresh grad ako. Parang bago ako sa, bagong salta ako sa community. Bagong salta ako sa professional world. Tapos ganun yung bungad sa akin. So, parang feeling ko, nandun ka sa gitna nung, ano ba, matapang ba ako? Kasi wala pa akong dapat katakutan. Wala pa bago lahat sa akin eh. Or, or dapat ba matakot ako kasi baka matanggal ako anytime and wala na mag-hire sa akin na, na library dahil, paano kung laging may ganong client and hindi ka preferred? So, paano ba mag-a-adjust? Mga ganon.

Personal Expression in the Workplace