
Deil Martin Carandang


At first, medyo mahirap kasi nag-aadjust ako ng panibagong community. Kasi ngayon, puro musicians. Medyo ibang-iba siya from the matagal kong experience sa medical, med students, mga doctors, mga allied-health professionals. Dito parang, hindi lang naman mas bata. Kasi may mga researchers naman, tsaka mga faculty. Medyo different talaga siya. Tapos maraming events. Yun siguro yung, yun siguro yung medyo na-overwhelm ako. Parang dahil siguro item din ako ng main library. So syempre mayroon tayong mga part sa mga ibang committees. Although hindi naman ako ganun ka-active sa ibang committee works. Sa main library, mayroon pa rin ako dito sa College of Music. So parang mayroong expectations na mag-perform to both. Pero so far kinakaya naman. Oh my gosh. Oo nga eh. Parang, paano mo napagkakasya yun. Yung parang eight hours a day sa committees mo sa main library, committee mo sa music, tapos yung work mo pa mismo sa library. Siguro, hindi rin kami sanay dito sa College of Music, hindi kami sanay na yung yung iba yung talagang pagdating ng 5pm, uwi na. Nag-eextend talaga kami madalas. Siguro, part na lang din ng public service. Lalo na pag may nirarush, tas maraming extra na events nga. Siyempre, kailangan talaga mag-help. Pag nasa unit ka, konti lang din ang staff. Kayo-kayo lang din magtutulungan. Hindi madali na mag-hire ng mga project-based. Lalo na pag limited ang budget.
Professional Journey
