Deil Martin Carandang

Siguro madalas ano, well, hati pa rin naman to. Pero mostly, feeling nila dahil gay man ka or medyo paghalata ka, feeling nila friendly. So, madali silang mag-approach sa'yo. Lalo na kapag may nakita sila na parang, oh, yung ganda naman ng makeup mo, yung ganda ng kilay mo, cute naman yung suot mo. Parang siguro yun yung parang start, yun yung parang good start for them to strike a conversation and sa ibang part sa ibang aspect siguro yun nga syempre may mga homophobic, may mga or hindi nila alam na homophobic sila may mga remarks syempre na minsan hindi man nila intention to say those or baka maka-affect ng ganon sa'yo or baka hurt sa'yo ng gano'n. Yun lang din yung alam nilang way to move around you. So, minsan kailangan na medyo mahahabang paliwanagan or kailangan medyo makabonding ka muna nila ng matagal to know na, ah ganito pala yung personality niya. Pero hindi siya usually ganun lang. May times pa rin talaga na kahit na matagal mo na silang kasama, meron pa rin mga parang, ano ba yung term doon? Hindi naman siya prejudices eh. Siguro hindi pa rin sila comfortable talaga. Kasi mahirap alisin yung mga notions na alam nila o sa buhay nila for a long time na ganito yung community. So regardless, kaya ano man ang gender identity mo, meron talaga silang mga ganun lang tingin medyo mahirap siyang i-debunk.

Workplace Dynamics