Frederick Velasco

Sa LIS? Actually, unfortunately, wala akong involvement sa mga advocacies. Feeling ko kasi depende sa tao yun. May mga tao talagang, bonggang-bongga talaga yung advocacy. Pero in a simple way, nagsusupport ako. Like, for example, merong, ano yun? Pride month? Pride month. Andon ako. At least, di ba? At sinusupport ang advocacy. May mga advocacy na mga ganon. Tapos, ano pa ba? Advocacy sa mga ano. Kasi ganito yun. Being part of the gay community. Aware ako sa mga ano. Super aware ako sa mga, yung mga issues about HIV. Mga ganyan. And, nagpapaganon kasi mga mga testing. Mga ganyan. So, ang dami kong nalalaman ng mga lay test, like yung mga PEP, PREP, mga ganyan. Tapos, aware ako sa mga gano'n. Siguro, kapag may mga kausap ako na, yung mga hindi alam yung gano'n, sinishare ko. Like, uy, alam mo, saan may gano'n. Pwede kang magpatest sa ganitong clinic. Oo, pwede kang magpatest sa gano'n. Libre lang, mga ganyan. Tapos, yung mga knowledge about that, so, kahit hindi, hindi siya pangkalahatan. Yung mga... Simple ways. Mga simple ways, yung mga alam kong hindi aware, na mga kagaya ko din, na si-share mo, at least, ano sila, aware sila na, ah, ganito pala, ganito palang test, libre pala dito, ganyan-ganyan. So, ayun.

Advocacy and Representation