
Frederick Velasco


Feeling ko, mas maganda ang magiging future ng LGBTQIA+, representation sa libraries and LIS education. Kasi yung researches nowadays, kagaya ng research mo, di ba? Ay, nung ginagawa mong project, hindi lang siya limited sa black and white LIS profession na panong services yung mabibigay sa, ano, o panong yung libro, ganun, mga database. Hindi lang siya ganun. Kumbaga, may involvement na rin yung gender doon. So, yung dahil sa mga researches na yun, para ma-improve yung policy, kasi siyempre ang policy naman, o mga batas, hindi naman siya ginagawa lang, okay, gagawa na kung gano'n. May mga basihan yan, at yung mga basihan na yun galing sa mga research. So kung ano, mas better, for example, sa project mo. Hindi lang naman ikaw, ngayon marami na tayo na gumagawa ng ganyan. So, nakakatulong siya ma-improve yung yung scenario ng part ng LGBTQIA sa isang work or paano mas better yung mga situations sa clients nila, diba? Malay mo may discrimination na pala na nagaganap or anything. So, malaking tulong talaga yung research para ma-improve yung policy ng isang work or yun mga ganun. And yun nga, dahil nga may involvement na rin ng gender, yung inclusivity nga na gusto natin mas ma-improve pa lalo.
Future of LGBQTIA+ Representation
