
Frederick Velasco


Wala naman. So far. Kasi yung communities na sineserve ko, gano'n din naman yung identity nila. Karamihan naman kasi sa mga estudyante. Diba? Diba? Like for example, sa academic university, yung iba bading din naman. Although nagkakaroon ako ng medyo nacoconfuse lang din naman ako minsan. Like for example, may client, kung paano ko sila i-address. For example, mahaba yung hair. Paano ko sila tatawagin? Like, ma'am, sir, ganon. Ang ginagawa ko, hindi naman siya ano eh, paano ba siya? Hindi siya problem, parang experiences ko lang. Ang ginagawa ko na lang, hindi na lang ako nag-a-address. Hello po. Oo, ganon. Promise, ganon. Like, for example, nasa info desk ako. Mahabang hair, paano ba siya i-address? Alam mo naman sabihin ko ma'am hindi ko naman pwedeng gawin yun alam ko naman sabihin ko sir kasi nakakita ko ng gano'n nakita na nga mahabang hair sir ba, Sir yung sinabi niya. Kaya ang ginawa ko Good morning po, ano pong hiramin nyo po. Ganun, walang ano wala kong wala kong nilalagay. Or siguro sir just to add lang or just to comment, baka pwede natin i-address or sabihin or itanong sa kanila kung ano yung i-address natin sa kanila, kung how do we address. Actually pwede yun kaso minsan sa ibang tao feeling ko ha nakaka-offend minsan yung ganun kasi minsan ako ano ba yung pumunta ako ng Tarlac dati may tanong sa akin yung kamag-anak yung pinuntahan ko, pero hindi ako na-offend sabi niya, ay ikaw po, ano, sir ba ma'am? Parang, hindi ko alam, ano ba po feel ko doon parang gano'n, like kasi minsan gano'n pag ano, ewan ko, I don't know how paano mararamdaman ko siguro depende sa tao depende na lang, Kaya ako, pinaka-safe na lang. Hindi ko na lang ina-address ng anything. Tapos, ayun. Minsan naman, nung nag-aaral ako, may binili ako ata. Parang sa, sa ano, sa mall lang naman. Yung mga, yung mga aficionado, yung mga sa gitna. Tapos, parang ano, parang ang sagot niya is, ma'am, ay sir pala. Gumaganyan. Di ba ma'am? Ay ito po ma'am. Ay sir pala. Parang, nang-aasar. Parang, ewan ko ba. Anong sadya? Sinasadya niya? Hindi ko. Babae naman yun. Parang, siguro, alam naman niya na gano'n. Tapos, ma'am, ay, sir pala. Parang, ewan ko. I don't know. Hindi ko alam kung panong mafe-feel sa mga gano'n. Kasi nga, sir, malay mo nga naman, na-confuse siya, diba? Pero ako, ang ginagawa ko, kung nakapang lalaki ka, nakapang lalaki ang damit mo, hindi mo siya pwedeng tawaging ma'am. Kasi nakapang lalaki ang damit. So ganun, parang safe sa akin. Hello po, mag ganun ka na lang. O kaya sir, huwag mo nalang pansinin. Huwag nalang tindahan, charot. So ganun lang naman.
Serving the Clients
