Alyssa Feb Valdehueza

I think it did. Kasi nga, sobrang. Meron siyang two sides. Siguro yung negative side. Negative and positive side. Pero yung negative side, nung nag-i-start pa lang ako sa UP, this is in 2018. So, dun pa lang kasi nag-i-start. Oo, 2018. Dun pa lang, hindi ko sure ah, kung dun pa lang nag-i-start yung mga pagbabahagi ng, ano ba yung binibigay na seminar ng ano natin, ng UP. Ah, gender sensitivity training. Parang dun palang yung rise nun eh. Siguro ano na, na-establish na nila before, pero hindi pa talaga siya, hindi pa talaga siya widely, alam mo yun, hindi pa siya widely ginagawa. Or ginagawa, pero hindi siya. Kasi, ang napansin ko nung dumating ako dun, as in, parang yearly, merong yearly or parang after two years, may refresher, no? So, nung pagdating ko ng 2018, pero hindi pa bukas ang isip ng mga tao. And yun yung napansin ko sa colleagues ko noon sa UP. UPIS ako. Sa UP mainlib, open naman na yung mga tao dahil, ayun nga, mas open-minded sila. Nung nasa UPIS ako, nakarinig ako ng mga sabi-sabi. Tomboy ba siya? Parang tomboy magkumilos. Ganon. Which is, ako din, as a baby, ano pa lang ako nun, kaka-out ko pa lang din nun. So, baby lesbian pa ako. Baby gay. Baby gay pala. Baby gay ako. Medyo ano pa ako sa sarili ko. Hindi ko pa, hindi ko pa ma-open na, ito ako eh. Ito yung identity ko eh. So, yun yung negative side na nung nag-meeting kami, merong school-wide meeting. So, lahat kami, ng mga colleagues ko sa UPIS, nag-meeting. Tapos, pinakilala kami sa new employee. Okay. Sinabi ko na, yun nga, bi (bisexual) ako pero more on the feminine side. Tapos, yun. Yun yung negative impact. Tapos, medyo hindi maganda yung parang ano namin. Hindi maganda yung pakikitungo kasi, yun nga, parang na hindi ko nagustuhan yung ginawa nila sa akin nung time na yun. Pero as time goes by, I also learned to embrace. Tapos sobrang binigyan din talaga ako ng UP, ng opportunity to be out and proud of what I am right now. Kung ano ako ngayon, UP din talaga yung parang naghubog sa akin na yung mga nakasalamuha ko din, sila Aiza, na kinuha nga rin ako sa GAD (gender and development) committee na nag-serve din sa lahat ng tao sa buong UP community. Dun na open yung journey ko sa librarianship sa profession na to. It really affected yung kung ano ako ngayon. Yung out and LGBT community (member).

Identity and Career