
Fraymon Joy Cruz


Actually, ano naman yung kanya kanyang cup of tea. Hindi naman natin maiinsist yung yung profession natin sa kanila. Tsaka anong tawag don, alam naman natin na ang mga LGBTQ is diverse. At mostly nasa entertainment, alam mo yung fashion, ganyan. Kasi creative. Tayo, nasa ano tayo academic, intellectual, alam mo yung ganun. Parang portion lang ng crowd or population ng trans, or ng LGBTQ for that matter, ang na-align sa ano. For example, politics, ilan lang ang ano dyan. Diba yung ganun? Sa mga profession, alam ko minsan ako makakita ng trans sa totoo lang. Mas marami yung gay at ibang ano. So sabi ko, parang ilang peraso lang kami. Kaya nga ang goal ko dito is kung ako yung mag-apply kasi ako sa head in the coming months. So ang ano ko dyan is ako yung magiging yung first trans na head sa CS library. Alam mo yun parang, ayun yung parang magiging contribution ko if ever na makikita yung trans. Ah, hindi lang pala sa parlor. Alam mo yung ganon? Pwede na pala maging professional ang mga trans. Yung ganong perspective lang, maiba lang siya. Yung ganon. So push lang nila yung gusto nila. Ganun na lang siguro. Na just do what they want to do in life. Kasi life is short, di ba? Kailangan parating happy ka. Kasi ako nandito ako kasi happy ako eh. Kasi kung financial, wala tayo dito, di ba? Jusq, UP? Ang babababa ng sahod dito kung tutuusin. Kasi kung kumpara mo sa private, di ba? So, ibig sabihin, may something else kaya tayo nandito. So, hindi yun pera, diba?
Advice for Aspiring Professionals
