Fraymon Joy Cruz

Ayun nga yung hindi naman kasi nawawala yun sa lahat ng profession. Yung discrimination. Discrimination kasi hindi lang siya sa employment. Kahit nga yung lalabas ka lang, ako maglakad nga lang ako. Every time, parang pagtitinginan ka. Hindi mo alam kung positive or negative, i-dedma na lang. Minsan yung syempre maraming insecure, marami silang sasabihin sa'yo, bakla naman yan kahit maganda yan bakla pa rin. Sino ba nakikipag-away? okay na, kalma dumaan lang ako. Parang big deal yung pagdaan ko. Anong ganyan? Masama bang dumaan dito. Kailangan bang i-elaborate yung mga ganyan bagay. Sinabi ko bang, maganda ako. O Babae ako. Dumaan ako. Kalsada, daanan. Parang, alam mo yung, gusto mo may sasabihin ganun lang? Pero hindi nyo ba nilalabanan? Hindi. Parang titignan mo lang siyang ganun. Parang okay. Parang move on ka na lang. Hindi kasi ako confrontational. Ayoko ng confrontation. Mas gusto ko yung iwan na lang kita, bahala ka. Parang ganun. Na everyday na eexperience yun? Parang yung 2025 na… Hindi mawawala siguro yan.

Challenges and Resilience