
Fraymon Joy Cruz


Yung actually sinabi ko sa iyo to before na nag-usap tayo. Kahit na sabihin natin ang UP is open, alam mo yan, sinasabi nila equal opportunity or equal treatment sa lahat, parang ganun. Meron at meron discrimination pa rin. Buti nga hindi ako pinagupitan ng hair. Na na-experience din po ng ibang trans woman, kahit yung mga nasa high school, di ba nga po? Oo. Eh, wala naman, wala naman. Kasi di ba, nung dati kasi hindi pa open. Ngayon lang naman sila. Diba? Napakaswerte ng batch na to. Pero yung dati, 1990s, Diyos ko, kailangan 2x3 hair mo. Alam mo yun? Wala kang choice. Ganon-ganon na lang yung mga bakla. Yung ganyan. Pagel-gel na lang. Vinovolume na lang yung hair na ganyan. Para kunyari, ano, babaihan. Pero 2x3 dito. Alam mo yung ganyan, tapos ang kakapal ng kilay, alam mo parang wala kang choice kasi pag meron kang binago maku-call out ka, yung ganyan. So kahit nga yung prom night hindi kayo pwede mag-gown alam mo ang bakla parang nagdala pa ng outfit sa loob kaya nang pagpasok mo naka long sleeve pantalon pagdating sa loob nagbibihis alam mo yun ganyan parang lahat lahat patago during that time tsaka yung mga hormones dati wala namang access online, ang dali-dali shopee, lazada, dedeliver pa sa bahay nila alam mo yun ganyan yung access.
Experiences in Discrimination
