Fraymon Joy Cruz

Ayun nga yung sabi ko kanina sa hair, ayun lang siguro naging factor kaya ako napunta sa LIS or sa Library Science. Pero yung gusto ko kasi, introvert kasi ako at the same time. Kaya ako nag-call center para wala akong kaharap. Alam mo yung gano'n? Pero at a certain number of people lang, hindi ko kayang sobrang daming crowd. Alam mo yung ganun? Yung kunyari, panel interview, okay lang yan kasi ilang peraso lang. Actually, during yung first ako dito, kasi isa ako sa mga nagtitrain ng mga staff. Ang staff namin is 20, 19, 20, ganun. Kasi ongoing pa yung item. Pero ganon, ilang years akong nag-adjust bago ko nagamay yung ganong crowd. Pero, syempre dahil ilang years ko na ginagawa na sila yung mukhang nakikita ko, mas comfortable na ako. Pero pag lumalabas ako, for example, sa UPCAT, examiner ako. So alam mo, iba-ibang mukha yung nakikita ko. Pero siya alam mo, may kaba. Oo. Kasi, di ba yung nature na intro, na parang introvert, na parang hindi talaga, nakaka-exhaust ng energy kapag hindi mo gusto, hindi mo kakilala yung crowd. Much more, hindi mo gusto yung crowd. Diba? Ganon. So, dalawa kasi yung question na yan is more hindi lang siya identity pero yung personality at the same time malaking factor kaya ako naka na ano sa library science. So parang mix siya. So identity at the same time personality ko kasi is medyo nasa timid side. Alam mo yung gano'n? Parang ayaw ko na masyadong madaming tao. Mas energetic ako pag mag-isa lang or with my team. Brainstorming, ganyan-ganyan. Pero yung pag nag-ano ka na sa iba, hindi ko na gusto.

Identity and Career