Fraymon Joy Cruz

Hindi ko lang tinutuloy. Oo. Hindi, ako mas... siguro ang priority ko, mas nag-inspiration ko is yung conferences. Doon ako mas na-align. Yung yes, na ano ako mag-talk sa mga dito locally, pero mas na-inspire talaga ako yung sa international conferences. Kaya ayun talaga yung pinush ko for so many years. Talagang pin-practice ko yun okay nung ganun. Sobra, alam sobrang hiya as in alam yung parang feeling mo ikaw yung pinaka less ano yun sa sobrang small, parang ganun yung feeling. Pero katulad yung last na conference ko sa New Zealand, ako lang mag-isang Pinoy, teh. Kaya sabi ko, parang napakalaking pressure. Kala ko kasi noon ang daming nag-apply. Tapos meron daw nag-apply, hindi natuloy kasi yung grant hindi na-approve. Parang ganun yung naging eksena. So in short, ako lang yung tumuloy na Pinoy. Oh my God! Alam mo, parang yung crowd mo, puro mga, it's either director or university librarian, okay? Alam mo yung mga talagang sobrang expert sa field ng library science. Ganun yung crowd, parang nagkamali yata ako. Buti natanggap, ba't natanggap yun? Parang ganun yung mga pumapasok sa isip ko. Paano kaya natanggap yung papel ko? Omyghad, ang galing galing nilang lahat. Bat ako nandito? Tapos nag poster paper na, nag-represent, ng ganyan ganyan. Sabi sa akin ng isang participant, sabi niya, Oh, you're an expert on this topic. Kaya ganyan. Tapos, I'm so proud of you. Why would you be shy about that? Sabi ko, I don't see myself as an expert or good. Probably through time. Pero ayun, natatawa lang ako sa ganun mga eksena na minsan. Ay, ay, ay, parang ano ko, dalawa. Nakaka-proud ako yung representative. But yung pressure is napakalaki. Kasi expectation wise, alam mo yung gano'n, na parang, oh my God, dalawa yan eh. Mag-isa ka lang, pinoy, at same time UP ka pa. Alam mo yung gano'n, every time lalabas ka sa university, kung mapapansin mo, kapag binanggit mo yung pangalan ng UP, parang napaka bigat ng... Alam mo yung ganun? Parang, oh my God, parang ordinaryong tao lang po ako. Ano ba? Parang library staff din po ako. Parang ganun na lang yung parating nagiging reaction ko. Kaya minsan pag uma-attend ako ng workshop, hindi ko sinasabi yung school. Parang alam mo, parang gusto ko lang ma-enjoy tong moment na to. Parang ganyan. Ganun.

International Conferences