Fraymon Joy Cruz

Yung pinaka-start kasi nito is yung high school. So diba, ano yung kukunin mong degree or bachelor, ganyan-ganyan. So, ang goal ko lang nun is walang math. Kasi ang weakness ko nun is math. Okay lang yung English, mga ganyan. So, yung nanay ko kasi nag-w-work dito sa Diliman. So, ayun yung pinaka-na-explore niya tong library science. Kasi parang isa lang yung math. And then, through time, parang nag-grow na siya sa akin. Parang nagustuhan ko na siya. So, talagang tinapos ko siya. But, during the end of my school year, parang sabi ko, parang ayoko maging librarian. So, in-explore ko muna yung sarili nag call center muna ako after I graduated. Tapos, doon ko na-realize yung passion ko is customer service. Parang serving people. And then, actually, in connection to sa number two question is, parang after parang several years ng ano ko sa call center, Telus, parang, siyempre, we're aiming for growth, di ba, professional growth. Kasi during that time, naabutan ko kasi na very discriminating pa sa call center industry for LGBTQ. So during that time, talagang very strict sila sa top three schools, yung Ateneo, La Salle, UP. At the same time, gusto nila as in lalaki-babae lang yung nasa management positions. Yes po. So, mga anong year po ito? 2000, 2005 kasi ako grumaduate. So, 2006.So, yung nag-apply ako ng, is nasa 2010 na. So parang 5 years na ako, parang nag-ano na ako. Parang nakita ko yung opportunity na may position for higher position. So nag-try ako, pero ang sinabi sa akin is hindi ako pwedeng mag-apply ng long hair. So that moment, alam ko na na hindi ako bagay doon sa industry na yun. So parang ang kalaban ko noon, naalala ko, nagpa-cut sya ng hair. Oh my God! Trans din po ba siya nun? Hindi pero long hair din siya eh. Pero parang hindi ko alam, parang hindi ko alam kung gay siya or anong ano nya. Kasi ako talaga trans talaga ako, trans woman talaga ako. So parang straight. Hindi ako magba-bow. Although it's not, hindi siya ego, hindi siya pride eh. Pero parang yun yung identity mo eh. So parang, so yun parang nag-stop ako. Sabi ko, ay maghanap na lang ako ng iba. Tapos nag-stop ako 2011. And then doon ko sabi ng nanay ko, balikan mo na lang yung course mo. So that's when I started exploring. So nag-review ako during that time, 2011. So grumaduate ako 2005, tapos 2011 ako nag-review. So as in talagang from scratch, from scratch. As in bumalik lang siya nung nag-review na ako, parang naalala ko ulit siya. Tapos kaso nga lang very, and I don't know, frustrating kasi during that time. Parang ang pinupush nila, mas maganda kasi kapag may experience ka sa library, mas may edge kayo. So, oh my God. So, parang during refresher courses nun, parang so, oh my God, nadadalawang isip ako, so, makakapasa kaya ako. Buti na lang, magagaling naman yung mga instructor during that time. Tsaka yung reviewer, nakatulong din yun. Naalala ko na ang reviewer ko yung kay Sir Eli (Dar Juan) kasi nag number 1 siya a year before that. So parang hiniram ko siya yung reviewer niya. Parang ganun. Although hindi naman ako, basta sabi ko ang prayer ko, make pasa lang ako Lord, please. Kaya sabi ko, hindi sabi ko, Lord kahit 80% lang, okay ngayon, would you believe 79.9 ako? Diba alam niyo parang sabi ko, that pala tinaas na ko na lang yung prayer ko tapos ginawa ko 90. Parang maging 89.9. talagang kailangan, mag-pray ka na ng mataas para mag-ano. But anyway, ayun, parang connect-connect na siya, diba, sa question mo. Tapos, ayun, dito na ako nag-start, tapos, during that time, naghanap ako kahit kasi ang UP, hindi siya tumatanggap ng hindi related yung work experience mo. So yung call center ko is zero points. So, as in, kailangan kong mag-gain ng experience sa library. So kaya ako, kahit graduate assistant, kinwestion niya ako dito during that time. Sabi, ang laki ng sahod mo, tas nag-graduate student ka, graduate assistant ka. Ay, ganito lang ang sahod. Sabi, okay lang po kasi kailangan ko ng experience, so yun hanggang naging contractual ako talagang dedma. So yun kasi naka-aligned pa rin naman yung library sa service so customer service pa rin yung pinaka para sa akin yung foundation niya eh diba. Although nasa information tsaka library yung landscape niya. Pero naka-ankla pa rin yung customer service doon sa ano yun. Parang, ano ko na yun, pinaka-passion ko talaga is customer service. Parang ganun. So parang, kahit hindi ako maalam sa information and library landscape, parang tuturuan ko na lang yung sarili ko matuto. Parang ganun, through time. Until now, ganun pa rin yung approach ko. Parang kahit ang tagal-tagal ko, hindi ko pa rin nakita sa sarili ko as parang expert. Kahit sinasabi na, galing-galing mo naman. Parang hindi ko ramdam yun. Parang sabi ko, parang dami ko pang gustong matutunan sa field.

Path to Librarianship