
Fraymon Joy Cruz


So, ayan na ang sinasabi ko sa'yo. Wala. Parang ano kasi, mas nag-focus kasi ako sa work dito. Kung advocacy lang, is yung personal advocacy ko na lang na dahil trans ako, gusto ko maging maganda yung image ng trans. So, best effort parati. Alam mo yung ganun. Hindi natin sisirain yung mga pangalan natin para maging maganda rin yung perspective nila about trans. Parang ganun na lang. Through my small effort, ganun na lang. Kasi hindi ako makasama sa mga activity, ganyan. Ayun lang, parang di mo naman pwedeng iwan, kawawa naman yung staff. Sila naman yung mabuburden sa lahat ng trabaho. Parang, unfair para sa kanila. Hindi kami ganun, although 50-50 yung work namin, hindi sya purely na circulation, circulation lang. Parang ganun. So kunwari, ang institute, binibigyan ko sila ng special assignment. Ayun ang tawag ko sa kanila, special assignment. So meron kaming tatlo, may IT, may marketing, tsaka research. So pipili lang sila doon na ano. Ayun lang yung pinaka parang committee namin. Pero naka-align pa rin siya sa service ng students and faculty. Hindi siya yung, alam mo yan, totally nakahiwalay.
Personal Advocacy
