
Fraymon Joy Cruz


Yung actually sinabi ko sa iyo to before na nag-usap tayo. Kahit na sabihin natin ang UP is open, alam mo yan, sinasabi nila equal opportunity or equal treatment sa lahat, parang ganun. Meron at meron discrimination na rin. Would you believe nung during interview sinabi sa akin na, paano ka nag c-cr? Pati pag c-cr, big deal! Sabi ko, sabi ko talaga sa interview, kahit di po ako mag-cr, kahit sa bahay na po ako mag-cr, okay lang po. Sabi kong gano'n. Kumbaga parang, ay hindi ka kasi pwede sa girls, dapat dun ka sa... Parang gano'n. Kaya sabi ko, okay lang po yun, kahit di nga po ako mag-cr, okay lang. Sabi kong gano'n. Kaya ko naman magka-UTI. Parang, alam mo yun, parang brinush off ko na lang yung question. Pero, at the back of your head, parang alam mo na, oh my god, parang doon pa lang. Pero dahil gusto mo, di ba, why not? Parang isasacrifice mo kung ano may isasacrifice. Buti nga hindi ako pinagupitan ng hair. So, yung CR para sa akin, tolerable kesa yung pa-cut yung hair ko. Ah, ganun. Parang napaka big deal sa akin yung hair. Parang eto yung identity e. Parang ganun. Some people parang gusto lang nalang, di ba yung mga lalaki gusto long hair, ganyan. Pero para sa trans parang, ewan ko, may something pag cinut yung hair. Na na-experience din po ng ibang trans woman, kahit yung mga nasa high school, di ba nga po? Oo. Eh, wala naman, wala naman. Kasi di ba, nung dati kasi hindi pa open. Ngayon lang naman sila. Diba? Napakaswerte ng batch na to. Pero yung dati, 1990s, Diyos ko, kailangan 2x3 hair mo. Alam mo yun? Wala kang choice. Ganon-ganon na lang yung mga bakla. Yung ganyan. Pagel-gel na lang. Vinovoulne na lang yung hair na ganyan. Para kunyari, ano, babaihan. Pero 2x3 dito. Alam mo yung ganyan, tapos ang kakapal ng kilay, alam mo parang wala kang choice kasi pag meron kang binago maku-call out ka, yung ganyan. So kahit nga yung prom night hindi kayo pwede mag-gown alam mo ang bakla parang nagdala pa ng outfit sa loob kaya nang pagpasok mo naka long sleeve pantalon pagdating sa loob nagbibihis alam mo yun ganyan parang lahat lahat patago during that time tsaka yung mga hormones dati wala namang access online, ang dali-dali shopping lazada, dedeliver pa sa bahay nila alam mo yun ganyan yung access sobrang tsaka yung hindi naman kasi parang ano yun accepted parang tolerable, tolerated parate parang ganun. Hanggang doon lang tayo e, Pilipinas hanggang tolerated lang. I mean, never natin ma-reach ang acceptance level.
Professional Journey
