
Nikko Angelo Lastimosa


Sadly, oo. Parang na-experience ko siya first hand. Kasi, ayun nga, kaya din yun din yung naging topic ko. Kasi sabi ko, parang gusto ko siyang i-record yung ganong klase ng experiences. And nung time na, kaya din, if you would remember yung sa LRC, yung Diving Deep, last year, yun din yung isa sa naging topic ko, yung parang culture wars. Ano naman siya about the religion and the LGBT community kasi parang malaking factor ng oppression towards the community yung faith ng isang tao sa religion. Naparang naka-Bible-based yung ano nila, yung take nila sa LGBT community, kaya mayroong hate na nangyayari. And as per the challenges, ayun, syempre, hindi mo maiiwasan na makareceive ng mga aggressive comments, no?, yung mga jokes, yung mga subtle jokes, but ngayon ko lang siya, dati, pag may mga joke na gano'n, parang kibit-balikat ko lang, parang okay, parang nasanay lang ako na gano'n yung tingin nila sa mga sa mga taong nasa community, but since I started working doon sa paper, ang dami kong nalaman actually, na yung mga ganong klaseng mga subtle na mga-joke, ganyan, hindi lang pala siya basta joke. Parang naka-umbrella siya doon sa tinatawag na microaggression. Dun siya naka-under yung mga ganong klase na akala mo wala lang pero mabigat din pala sa pakiramdam na ganon yung naririnig mo. Especially sa colleagues mo at saka dun sa relatives mo. For example, sa colleagues, syempre as library, di lang pina-flag natin yung library as third space. Parang safe space siya for everyone kung marami may mga initiatives tayo para mapa-feel natin sa clients natin that they are safe pag nasa library sila. How about yung mga librarians? Parang ganun, hanggang clients lang ba yung third space natin? But for the librarians ourselves, walang ganun klaseng parang importance yung third space. Kasi, ayun, hindi na nga magda-drop name. Pero syempre, may mga narinig ka na traditionally, dun sa mga, dito sa library, may maririnig ka na may mga subtle microaggressions. For example, yung sinabi na nagbabagong anyo, mga ganun. Yung parang phase lang yung pagiging bading or parang sakit yung pagiging bading na pwede kang i-convert. Yung mga ganong bagay na dating hindi ko siya pinapansin but since I started studying about this topic, nalaman ko nga na form siya ng discrimination. So ano siya, parang kailangan pa ng marami pang representation and recognition doon sa LGBT librarians. Especially, siguro sa, I don't know kung may weight yung leadership roles. In terms of siguro sa position, although, syempre, you earn it, but, parang, sino ba yung mga nag le-lead na librarians na nasa ilalim ng LGBT umbrella? Parang ganon. And, yun, ang nakikita ko, to overcome yung mga ganitong klaseng challenges, ako, nagre-rely ako heavily doon sa research and advocacy. Siyempre, i-utilize mo yung platform mo para ma-highlight yung importance ng inclusivity. Para makapag-build ka ng professional network or stronger na professional network na alam mo crucial din dun sa pag-address dun sa mga challenges. And also, yung pag-create ng ibang opportunity para makapagbago. Para may opportunity for a change. Parang gano'n. No, yun yung nakikita ko na pwede nating gawin. Kasi sa akin, parang hindi siya mawawala agad-agad. Meron tayong GAD committee na nagpo-provide ng mga trainings, ganyan. Tulad nung last training ni "sis yeddy", yung gender naming, dun sa training na yun, dun ko narinig yung nagta-transform, ganyan-ganyan. Imaginin mo, GAD training, tapos may nakakarinig ka ng gano'n. So, ang dami yung kailang i-work out dun sa ganong side ng librarianship. But still, siguro na naintindihan ko na traditionally, parang wala sa kanila yung ganong klaseng remarks. But if may, if nagbabasa ka talaga ng experiences nila, ma-feel mo na hindi lang siya basta yung subtle remarks lang or joke lang about it. It's how they see you as a librarian. Yun yung representation mo sa kanila. Kaya maganda na siguro i-build mo yung magandang advocacy na paano ba magandang iharap yung librarians para maganda yung representation niya sa community. Although, yun nga, parang ang bigat din na ganun yung kailangan mong isipin kasi bakit ba kailangan meron tayong representation? Eh parehas na naman tayong tao. Hinihingan ba natin ng representation yung mga heterosexual? Hindi naman. But since tayo yung nasa oppressed na community, kailangan natin ng representation and recognition. Kasi tayo yung naging may [...], nasa atin yung lesser human rights. Parang ganun. Yun yung nasa isip ko dun sa challenges. Naisip ko kasi, sabi ko, yung kung may meron mga nag-lead, they are mostly allies. Yung mga ally natin, parang gano'n. But, yun nga, parang hindi pa ako nakakakita na nag-lead ng library na yung nasa spectrum ng LGBT. Parang gano'n. So, isa yun yung isang malakas na representation yun ng diversity sa library. Yung may gano'n kasi. But still, syempre, you have to earn it para magkaroon ka ng mataas na posisyon. Diba? Ayun, mahirap dahil kailangan mo siyang i-prove every time. Ito parang ang buhay ng LGBT, ng mga nasa spectrum, na you have to prove something for you to be important. for you to be as important as the straight ones. Parang ganun.
Challenges and Advocacy
