
Nikko Angelo Lastimosa


Siguro, unang-una, malaki yung role nila sa pag-advocate ng inclusive collection. Kung meron man, kasi natatandaan ko nun, nung interview, na nag-apply ako nun sa CL1, tinatanong nila kung ano yung parang vision ko. Kasi ang unang-unang sinabi nun kay Ma'am Elvie gusto kong mag-create ng isang inclusive collection na nandun lahat ng experiences ng bawat librarians, what is LGBT, what it takes to be LGBT, ano yung challenges nila. Kasi from that, yung nabanggit ko kanina na for you to change your insights, you have to learn their experiences. You have to know their experiences. Kasi the changes starts from within, na holistic dapat [yung] change. Hindi ka magbabago lang dahil nakita mo lang dyan sa gilid. Magbabago ka kasi nalaman mo kung ano yung pinagdadaanan nila. Yun yung nakikita ko na contribution ng LGBT librarians, ang laki nung role nila na binibigay sa pag-advocate ng inclusive collection, nung safe spaces, yung diverse na, kasi in the first place, kaya, ayun, kaya siguro, ako, I cannot speak for all, but sa akin, kaya ako ina-advocate yung ganong klaseng spaces is I also want, sa likod ng utak ko, I also want to be in a safe space. Diba? More than yung sa mga clients na dapat nasa safe space sila pag nasa library sila. Ako din, gusto ko din maging, magkaroon ng isang safe space. And provided na librarians tayo and we, parang we, we flag the library as a safe space, a third space, might as well advocate for it, no? Para magtuloy-tuloy, maging sustainable yung pagiging safe space ng library para sa mga clients and para sa ating mga librarians. Yun, parang they have contributed dun sa profession natin, no? Yung mga LGBT librarians sa pag-conduct. Yan, again, babalik ako dun sa pag-conduct ng research on representation, yung parang implementation ng policies para masuportahan yung diversity sa library and also, siguro yung parang makapag-insure, ma-insure man lang na yung library can still serve as equitable spaces para sa lahat. Yung presence ng traditional norms, tapos yung perspective na makapromote sa inclusivity and social justice sa library, I think it came from the LGBT librarians. Kasi sila yung much na nag-open about their struggles. And sila din yung unang-unang gumagalaw. Paano i-a-address yung ganitong struggle. And ano lang, parang thankful lang din na maraming ally sa library na kayang mag-support doon sa advocacy ng mga librarians. But still, parang ang dami pa natin kailangang i-address na problem about gender in librarianship.
LGBTQIA+ Contribution to LIS
