
Nikko Angelo Lastimosa


Nabanggit ko na ito sa maraming interviews kung paano ako napunta sa library science. Kasi yung family ko uhm may mga relatives ako, may pinsan ako at aunty ko ay mga librarians. So isa sila dun malaking contribution. Kasi hindi naman ako aware dati na inaaral pala siya. Hindi ako aware dati kahit na nung high school, lagi akong nasa library. Hindi ako aware na may ganun pala. Tapos nung college na nung nag-enroll na, syempre ubusan ng slot. Kaya wala talaga siya sa plan ko na mag-enroll. But siguro it just so happened na yun na lang yung may natitirang slot. Sabi ko kay mama nung nasa enlistment na nun, nasa PUP na ako. Sabi ko, ma, wala nang natirang slot para dito sa program na to. Sabi niya, tignan mo yung library science. Sabi nung pinsan mo, itry mo. Ayun, nung chineck ko siya, sakto-sakto, ang dami pang slot na natira. Yun yung in-enroll ko. Tapos, syempre, nung mga time na yun, parang hindi buo yung loob ko doon sa program. But as I go along with it, parang dumaan yung time na nagkaroon ako ng deep appreciation dun sa knowledge and parang yung accessibility ng information na natutunan ko dun sa LIS na nag-start ako. So, initially hindi ako masyadong aware I wasn't fully aware of parang gaano ba ka-impactful yung profession. How impactful the profession could be but yun nga, as I progress dun sa study, and yung college, and yung sa career ngayon, narealize ko na yung librarianship pala is more than just again, yung pag-manage ng book. Kasi, ganun yung nakikita sa mga aming tao, no? Diba? Hindi lang siya yung nagbanbantay ka ng libro, nagsasaway ka ng mga maiingay sa library. It's more than just, parang, it's about empowering people through information. Parang ganun na yung na fo-foresee ko ngayon. Hindi lang nakakahon lang sa yung stereotyping about librarians, what librarians do, and what are libraries. Parang ganun na siya. And ayun, over the years, parang bilang nagtrabaho na rin ako sa private institution, yung first job ko as naging periodicals librarian ako nun. And hanggang sa ngayon, reference librarian and cataloger, na nakag patuloy na nag s-start ako mag-engage sa research, and as part of my target, yung instruction, magde-develop din ako ngayon, parang nag-develop deeper sa akin yung advocacy ko on gender librarianship. And yung journey ko, it has also led me to, pwede ko bang i-claim na parang leadership role? Kasi, we are our own leaders, di ba? Hindi naman pag sinabing leader lang, parang matataas na posisyon. Parang ganoon ko siya tinitake, yung pag-organize ng mga programs or any initiative na kayang mag-nurture ng inclusivity. Mga ganon, yung mga research, literacy, and even yung mga professional development. Yun yung parang journey ko ngayon, yun to sum it up, yun yung parang naging journey ko sa library science.
Path to Librarianship
