Nikko Angelo Lastimosa

Siguro, when I started noong 2019, yung first job ko, matagal, mahaba yung ano ko eh, yung naging adjustment period ko nun kasi first job ko. Tapos, syempre, yung unang, although maganda yung library, but still, ako yung may hawak ng isang section, tapos, provided na first job ko, naging matagal yung adjustment period ko nun. So, kung sa tinagal kong two years, parang almost a year ako nag-a-adjust nun. Although, malaking factor yung mga ka-work ko na very supportive and even yung boss ko dati, supportive siya dun sa position, dun sa, hindi siya, very patient siya sa akin non eh. Kasi, syempre, yun nga, first job ko. Kaya, ayun, nung umalis ako dun, very, ano siya sa akin, tawag dito, parang sobrang disheartening sa akin na umalis doon sa first job ko. Kasi nga, parang nag-mark siya sa akin na ang laki nung nabigay niyang opportunity sa akin para mag-grow as a first time doon sa field. Tapos, lumipat ako, pandemic neto, parang ang daming, syempre ang daming nagganap dito sa Manila. Nag-decide ako na umuwi sa province. So, sa province ka, ay, dito ka sa Manila, nag-first work, tama ba? Yeah. For two years. Tapos, after that, umuwi ako sa province no, no, nag-decide ako mag-resign. Sabi ko para, kasi pandemic, pandemic pa neto eh, 2021. Parang 2021, umuwi ako noon. Kasi, ganun pa rin, ang masyadong mahigpit dito. So, sabi ko, at at least pag nasa province ako, kasama ko parents ko. So I started working there. Librarian pa rin naman, pero yung position, librarian pa rin yung position ko, pero contract of service. Parang job order lang, ganun siya. Contractual. And ganun din, nangyari is, ako yung may hawak ng isang library, parang campus library siya. Doon sa isang campus, merong multiple programs na ino-offer. So medyo madami. Parang, naroon din, parang ako yung unit head nangyayari. But, yung position ko, yun yung nasa pinaka-mababa. So it really took a toll doon sa akin kasi grabe yung experience na yun for me na ako yung humahawak. Tapos, although, yun nga, since hindi ako, tawag dito, hindi ako regular, I can't decide para sa library ko. So ako lang yung gumagawa. Lahat ng legwork sa akin, but all the decisions ay nandoon sa dating head. Hindi ako makapag-decide. So yung mga ganong bagay, ang laki nang naging parang, tawag dito, nag-marka sa akin as an experience. Ang lala nung experience na yun. Parang araw-araw kong sinasabi kay Martian dati. Kasi nag-start si Martian sa UP, yun din yung time na nag-start din ako doon sa work ko. So parang yung adjustment ko doon sa work ko na yun sa province, lagi kong sinasabi sa kanya na lagi lang parang masama lang yung loob ko. Kasi parang ako, parang nag-instill sa akin na nahihirapan akong mag-work pag ako lang yung nagbibigay ng knowledge doon sa surrounding ko. Parang pag wala akong natatanggap, parang mabilis parang mabilis ako ma-burn out pag wala akong natatanggap na something na makakatulong sa growth ko. Okay. Ganon yung nangyari. Tapos, neto, syempre, yun, habang nagkakwento kay Martian, nagkakwento din siya sa akin, napaisip ako, sabi ko, parang yung sa UP, parang iba yung approach. Ganyan, parang hindi routinary yung trabaho. Then I tried, nag-apply ako sa UP. Tapos yun, fortunately, nakuha. Tapos nung nagsstart na, yung na-feel ko na, tawag dito, adjustment dun sa previous works ko, hindi siya ganun dito sa UP. Yun yung sabi ko, natuwa naman ako na parang ang daming bagong hindi ko alam. Pero yung adjustment, yung hirap ng adjustment, hindi ko siya na-feel nung lumipat ako sa UP doon sa main library. Parang ang ganda nung naging impression ko doon sa trabaho ko sa main library. Kasi nga, siyempre nung nagsa-start ako, ang dami ko bang parang kailangang i-improve sa sarili ko. Yan yung communication skills. Sobrang hina ako dati dyan sa communication skills kasi hindi naman ako sanay na lagi nakikipag-usap. Yung orientation, wala sa isip ko yun. Every time pag mag-orient ako lagi ang lamig ng kamay ko, parang bumabalik na yung sikmura ko sa kaba. Yung mga ganong bagay. Tapos, nung nasa main library ako, ah mag-oorient. Parang ganon, kailangan ko mag-orient lagi. So mahahasa at mahahasa ka. Tapos doon ako na-open na lagi ko kong sinasabi na gusto kong mag-publish ng research. Gusto kong mag-publish, gusto kong mag-present. Hindi ko siya nagawa doon sa mga previous work ko. Gusto kong sabihin na baka hindi ganoon ka research-oriented yung mga previous institution. But since I started working sa UP, doon ko siya na-try. Kaya sabi ko, ang ganda nung naging landing ko sa UP. Kasi parang ilang buwan pa lang ako. I started in September, April the next year, nakapag-present na agad ako ng paper. Yun yung parang, actually, nag-marka talaga sa akin na ganito yung way ng UP for me to grow. Ang laking tulong yung surrounding, yung support ng institution, para at least kahit pa paano, yung mga, parang yung goal mo, na-a-achieve mo siya, paunti-unti. Yon.

Professional Journey