Nikko Angelo Lastimosa

Ayun, isa lang yung naiisip ko dito sa ano na to, sa question na to. Kasi nung nag- present ako ng paper nun sa, LRC, yung sa Diving Deep. Kinausap muna kami ni Ma'am Kate, ni Dean Kate, kung bakit yun yung napiling topic. Kasi syempre, nabanggit ko yung main reason, bakit yun yung napiling yung topic. Kasi nasa isip ko nun, sabi ko, malaking factor ng oppression dun sa community is yung faith-based objection ng religion. Tapos, syempre, yun yung after nun, ang maganda naman yung naging feedback ni Ma'am Kate. Tapos, maganda rin yung naging feedback ni Ma'am Yhna, kasi sya yung isa sa mga nag-comment, kasi nabanggit niya na, malaki yung chance na ma-publish yung paper pag i-expand ko pa siya. So yung mga ganun klaseng mga appreciation, parang it boosts your confidence to do more, to do better. Tapos after that, parang around September, nag-chat sa akin si Dean Kate, nag-message siya sa akin sa messenger, sabi niya parang nag-hello siya kasi nagda-draft daw siya ng ano, parang yung national competency base para sa mga librarians. And pinakita niya sa akin, yung isang dinadraft niya, naka-base doon sa paper ko. Alam mo, nung nakita ko siya, hala si Dean Kate bat ganyan, bakit mo sinasend sa kanya dis-oras ng gabi? So sabi ko yung mga ganong bagay na parang ang nasa isip ko, syempre, since naging basis ni Dean Kate yun para gamitin sa competency base ng Filipino librarians yung paper ko, ang nasisip ko baka nagmarka din sa kanila na may ganong klaseng part yung librarianship. Hindi lang siya basta yung inclusivity na lahat tinatanggap, yung diversity na dapat lahat meron ganito, tsaka yung equity na dapat lahat meron. Naisama niya yung core ng paper ko doon sa NCBFL. Kaya, ayun, parang grabe yung appreciation na na-feel ko nung sined niya sa akin. Although hindi niya naman sinabi na dito yung paper mo, pero pinakita niya kasi sa akin yung recognition ng identity doon sa library. Yung privilege and power ng identity sa pagbuo ng core competency ng librarians. Yun yung nasa isip ko doon sa question na yan. Tapos naisip ko, sabi ko, ang problem ko kasi, sabi ko baka mamaya, pag yun yung paper na pinresent ko, baka walang,mag pique ng interest nila. Pero yung discussion, yun nga, parang, eh, narealize ko na yung ganun klaseng work pala still resonate sa marami sa field. Particularly, syempre, yung goal ko is para dun sa mga hindi makapag-voice out. Yun naman lang yung goal, to be the voice. And additionally, pag nakakakita ko ng students or colleagues na nakaka-appreciate ng mga inclusive programs na nac-create ng library, parang nire-reinforce na lang yung importance, no, ng representation ng LGBT sa library. Kasi if they think na it helps them, ibig sabihin, parang sa akin, back of my mind, nasa isip ko na if nakatulong sa kanila, then tama yung representation natin sa library.

Recognition and Impact