
Anthony Atibagos


Challenges? Merong challenges na hindi connected sa LIS profession. May challenges naman na, sa bagay, connected din siguro kasi nangyari ito sa career ko. Kasi, one of the challenges I encountered siguro yung discrimination and bias. Kasi, I remember when I was in graduate school, may classmate ako nagtatrabaho sa isang private school, Catholic school, somewhere in Antipolo. Sabi niya, alam mo, kung babae ka lang, ikaw na kinuha kong librarian. Kaya lang kasi ang gusto ng mga madre, babae eh. So parang okay. So sa loob-loob ko, anyway madami pa namang school dyan eh, na tatanggap sa tulad ko eh. So siguro, paano ko i-overcome? Dedma lang ako. Alam mo naman ako, easy go lucky ako nung nag-aaral ako. Ano pang… So humanap ka po ng ibang trabaho agad, no? Hindi mo siya parang dinamdam? Mm-hmm. Tuloy ang buhay. Go with the flow lang ako. Tapos, isa pang challenges ko noon, yung nasa gifts and exchange ako, section, may isang donor na nagbigay ng donation, libro. Sabi ko, Sige, sir, tatanggapin po namin ito ha. Pero pag nasa amin na po ito, kami na po ang bahala kung i-retain namin ito sa mainlib or kung i-donate namin sa ibang school. Sabi niya, ah sige, okay, okay. Mga after two days, three days, bumalik. Sinigaw-sigawan ako sa harap. Magkasama yung, remember yung mainlib, magkasama yung cataloging, tsaka acquisition. Tapos, office ni Sir Chito (Chito Angeles), office ni Ma'am Elvie (Elvira Lapuz), as Deputy. Sinigaw-sigawan ako. Dinuruduro ako. Bakit ayaw mong tanggapin yung mga donation kong libro? Bakit? Kasi mga bulok. Kaya ganyan. Yung gusto ko maglahong parang bula, pero hindi ko magawa. Nanginginig na yung tuhod ko sa sa galit, sa nerbyos. Matanda na po ba ito? May edad na, oo. Pero, todo smile pa rin ako, oo. As a beauty queen. Nung si Ma'am Elvie nakasilip na. Nakaganon lang siya. Tapos, kinausap siya ni Ma'am Tess (Tess Calub), no? Yung boss ko sa gift sa Acquisition. Oo. So, huminahon po kayo, ganyan, ganyan. Hindi eh, ayaw niyang tanggapin yung donation ko, yung ganyan, ganyan, ganyan. Ganyan, ganyan. Mag-sorry ka sakin. Parang gumawa ako ng letter pa, apology letter. Na naka-address sa kanya? Mm-hmm. Kahit feeling mo na hindi mo naman...Wala kang ginawa. Oo, pero doon sa acknowledgement letter, maliwanag doon na kapag dinonate mo na yung libro mo, nasa amin na yun kung ano yung gagawin namin. So wala na siyang say dun. Nagalit siya bakit ako ayaw namin tanggapin? Bakit daw ito do-donate sa iba? Kilala yun ni ma'am Tonette (Villaflor, Marie Antoinette) ng College of Science. Nalaman niya yung incident na yung tumawag sa akin. Parang estudyante o parang faculty sa science. Parang ganun. Kilala din ni Fraymon (Cruz). Kilala. Sabi ni Maam Tonette, pagpasensyahan mo na Anthony, ganun talaga yan. Pero ano po yung parang ginawa ni Ma'am Tess noon or ng head librarian? Kinausap ako ni Ma'am Elvie. Huwag kang gumawa ng sulat Anthony. Kasalanan niya. Kasi... Nasa guidelines ng library nun eh. Oo. Tsaka witness siya doon kung anong ginawa sa akin eh. Sinigaw-sigawan ako, dinudududuru ako. So, you know, alam mo, pagtapos nun, pumunta ako sa stockroom ng Gifts and Exchange. Tumulo luha ko. Kulang nalang mag-walling ako. After nun, nag-hilamos ako. Pagkalabas ko, smile ulit. Parang wala nang nangyari.
Challenges and Resilience
