Alam mo, parang sa tingin ko, hindi eh. Kasi kaya lang sinabi ko, hindi ko pinangarap maging librarian, ano. Siguro, as gay, no, andun yung, yung ma-PR ka eh. Kumbaga yun yung mga strength natin, yung magaling tayo sa tao. At gusto rin tayo ng tao. Oo. Di naman mapagkakaila. Kasi, I mean, yung ibibigay mong, yung hinihingi nilang service, dadagdagan mo pa yun eh. Kaya siguro yun yung, extra effort. Oo, parang yun yung naging reason ko, bakit ako, bakit ako naging librarian. Siguro. Tsaka, aaminin ko, hindi ako matalino. Matyaga ako. Matyaga ako. Tsaka, mahaba ang pasensya ko. Masipag. Yung talino, hindi ko sinasabi matalino ako. Siguro, yun siguro. Actually, ang ganda nga na yun. Parang, gusto ko yung sinabi niyo po na parang lagi tayo nag-i-extra effort para matulungan yung clients natin. Baka siguro dahil hindi nakita ng mga head librarians sa'yo, kaya siguro ka siguro prinomote. Tsaka, natutunan ko yan, yung na-assign ako sa reference. Yung na-assign ako sa reference, ang boss ko doon, ang una kong ang boss ko doon, si Ma'am Yani, yung director na ng DLSU ngayon. Sabi niya, huwag kayong sasagot ng wala, huwag kayong sasagot ng sorry, ganyan, ganyan, ganyan. Huwag kayong sasagot ng sorry or dapat may ang karugtong noon na na try natin sa ganitong library. So, naghahanap kami ng mga resources. So, pag wala available sa mainlib, i-email kami sa Ateneo, nag-i-email kami sa Lasalle para lang ma-provide sa estudyante yung information na hinahanap nila. Yan yung natutunan ko sa reference kay Ma'am Yani.

Identity and Career

Anthony Atibagos