
Anthony Atibagos


Ako, LGBTQIA plus librarians have made significant contributions to the development of library information science profession sa maraming bagay. Unang una, sa beautification. Yes, tama. Hindi ko naman nilalahat, pero hindi natin masasabing kaya ng lalaki na ma-organize ng ganon. Hindi ko naman nilalahat, pero kasi yung experience ko dito, pagdating ko dito, ayan, saksi yung staff ko dito. Pagdating ko dito, kalilipat lang nila from the old building to here. Pagdating ko dito, may mga libro dyan sa taas ng shelves ng mga nakatali. Na masakit sa mata. Kasi gusto kong ma-organize yung library. So, ayun siguro may i-contribute ko as a librarian sa isang library. Tapos, sinasabi ko na kanina, welcome. Ginawa kong (safe space), oo. Kasi nung when I was in college, no, mga 1990s, yun na yung 1999, medyo hindi pa ganun ka-open yung paligid mo sa community. Oo, sa mga LGBT. Papasok ka sa library, pagtitinginan ka, tapos magbabulungan, tapos magtatawanan. Hindi mo narinig yung sinasabi nila sa'yo, pero yung tingin nila sa'yo, parang gusto mo itaob yung table. Pero dito, sige, welcome lahat. Yun siguro yung contribution ko na yung sa pag-organize ng library. Maging safe space.
LGBTQIA+ Contributions to LIS
