Anthony Atibagos

Nako, sa totoo lang, actually hindi ko pinangarap maging librarian. So kagaya na sinabi ko kanina, ang undergrad ko ay education. Nung nagpa-practice teaching ako, parang OJT, natrauma ako sa critic teacher ko. So, nung natrauma ako, sabi ko, I don't want to teach anymore. Ayaw ko na magturo. Kasi sobrang strict yung critic teacher ko. So, tinapos ko lang yung practice teaching ko. And then, nakagraduate ako. Habang naghahanap ako ng trabaho, bumabalik-balik ako sa school, sa NCBA. Tumatambay ako sa library. Kasi when I was in college, taong librarian ako, ay taong library ako. So kilala ko yung mga librarian and even the chief librarian, kilala ako. Tinanong ako ng chief librarian, may trabaho ka na ba? Sabi ko, wala pa po. Naghahanap pa rin po, waiting. Gusto mong mag-library, library staff, library assistant. Kaya lang sa NCBA Fairview. Sabi niya sa akin. Sabi ko, sa loob loob ko, trabaho na to eh. Sige po. Pwede, eto na. Punta na ako ng NCBA Fairview. Nandun yung contract. That was 2003. Kagagraduate ko lang. 2003. Dedma na ako. 250 per day ako noon. Malaki na ba yun ma? Sa time ko maliit kasi unang una maliit lang yung sweldo noon eh sa NCBA eh. Tapos hindi ako library staff lang ako, 250 per day. No work, no pay pa ako. Pero sige, trabaho para magkatrabaho lang. Then one month or two months after ako nagtrabaho, I asked, tinanong ulit ako ng Chief Library, kung nag-e-enjoy ka ba sa trabaho mong yan? Kung gusto mo ba mag-trabaho sa library? Sabi ko, okay lang naman din po. Kung gusto mong ma-regular, kumuha ka ng at least 18 units sa library science. Kasi that time, pag ang undergrad mo ay education, once na naka-18 units sa library science, pwede ka mag-board exam. Sabi ko, sige po, 18 units, certificate lang. Sabi ko ganyan. Sabi ko, I will try to visit or to inquire for PUP (Polytechnic University of the Philippines). Sabi niya, no, UP (University of the Philippines). UP agad. Sabi niya, ma'am, sabi ko bakit hindi ko makayanin? Try mo lang. Hindi. Pumunta akong ng UP? Masunod rin ako eh. May interview, may exam. Ah, question po, MLIS na po yun? MLIS. Pero, ang nilagay ko lang sa ano ko, certificate. Okay. Para lang makapag-board exam ako. Nakapasa na ako sa interview, nakapasa ako sa exam. I remember, I remember yung nag-assist sa akin, si Ate Rhina. Sabi niya sa akin, bakit 18 units? Bakit certificate lang? Since nakapasa ka rin naman, gawin mo nang, ituloy mo na sa master’s. Eh madali akong kausap. O, sige po. Sabi ko, basta ma'am kapag naka-18 units ako, pwede ako mag-board exam? Pwede na! Tinuloy-tuloy ko yung master's. Hanggang sa naka-18 units ako, 2007. Naka-18 units ako, nag-board exam ako. Luckily naman, pumasa. And then, kasi gusto ko yung when I decided na ayoko magturo, pero gusto ko sa school pa rin magtrabaho. Okay. Kaya... Parang okay na yung librarian. Kaya pumayag ako sa pagiging librarian. Kaya tinuloy ko na rin yung master's ko hanggang sa nakapasa ko. Kasi nag-e-enjoy ako sa ano eh. So far, nag-e-enjoy ako sa yung dealing with people, dealing with student, ang mag-a-assist ka ng estudyante, tutulungan mo sila sa research nila. Yun, kaya siguro, ito yung binigay sa akin ng Diyos. So far, nag-enjoy naman ako. And ngayon po, ano na po bang position nyo ngayon sa library nyo ngayon? Sa ngayon, unang pasok ko sa, sabihin ko ba. Paano ako nakapasok ng UP. Tsaka yung background nyo rin po siguro, sa mga library kayo pumasok. Nakapasok ako noon sa dito sa UP. Professor ko sa MLIS si Ma'am Granda (Yolanda Granda). Nag-announce si Ma'am Granda. Sinong gusto maging librarian ko sa engineering. Kasali sa engineering ko siya. Pero ayun nga daw ano siya, UP contractual. Pero sabi niya, same benefits naman pag UP contractual. Edi, apply ako. Nakapasa naman. Nag-start ako as CL1, College Library 1, pero contractual. UP contractual o non-UP contractual? UP contractual. Iba pa yung non-UP sa UP contractual. Then, naka-three years ako sa engineering. After three years, bago ako mag-three years sa engineering, nag-retire na si Ma'am Granda. Nag-open ang mainlib ng item ng CL1, nag-apply ako. So, luckily naman nakapasa. Okay. Pero bago yun, kaya naman umabot ako ng 3 years sa Engg Lib (Engineering Library), kasi nahihiya naman ako kay Ma'am Granda. Kaya sabi niya, o baka naman pag nakapasok, pag may open sa mainlib, iwanan nyo na kami dito ha. Kaya umalis ako sa engineering nun, wala na si Ma'am Granda nun. Oo. Kaya, nag-start ako sa CL1 and then nung CL1 na ako sa mainlib nakapag-decide na ako na ituloy ko yung pag-aaral ko sa master’s nagpa-reevaluate ako sa SLIS ulit. Sabi ni ate Rhina, repeat ka na, repeat ka na neto ulit kung gusto mong matapos dun ka sa Baliwag University kay Dr. Buenrostro. Dun ka. Sabi ko nga sa'yo, madali ako kausap. Inquire ako agad sa Baliwag University. Pag dating ko naman dun, ni-reevaluate yung credentials ko. Sabi sa akin ng registrar, alam mo kung within 5 years dito ka nag-transfer, ang daming macre-credit sa'yo. Kaya lang more than 10 years na ako. Sa SLIS po no? Oo. Kaya, lahat ng nakuha kong subject dito (UP), inulit ko lahat dun sa Baliwag. Pero, ang maganda lang kasi sa Baliwag, by module. So, dito kasi, maximum mo dito, 6 units. Sa Baliwag, 9 units. So, yung 9 units na yun, yung first 3 units, kukunin mo ng 6 Saturdays. So, sa buong Saturdays, sa 6 Saturdays, nakafocus ka lang sa isang subject. Then, another 6 Saturdays, yung another 3 units. So, kaya, parang ano lang siya, hindi naman chill-chill, yung biyahe lang. And then, pero bago ako mag masters noon, na-promote na ako as CL2. Saan po kayo naka-assign nun? Una kong, as CL1, naka-assign ako sa Filipiniana and Reference section noon, na ISAIS na ngayon. And then, nalipat ako ng gifts and exchange and na-retain ako sa reference section noon. And then, nung naka-graduate ako, CL2 na ako noon. Nung naka-graduate ako, as na ng masters, biglang may emergency nangyari dito, dito sa StatLib (Statistics Library). Ginawa muna akong OIC. CL2 ka na po noon? CL2 pa lang ako noon. Naging OIC ako dito for two months. December, November, December. And then, so, siguro naman sa, hindi naman sa pag-ano, na, kasi yung pinalitan ko dito, namatay. So, since ako na yung OIC dito, ako na yung nilagay ni Sir Chito as head dito. And then, during pandemic days, may open na CL3. Pero yung pag-apply ko ng CL3, tatlong beses ako nag-apply ng CL3 noon. So, unang apply ko, hindi ako nakapasa. Pangalawang apply ko, hindi ako nakapasa. Pangatlo, pandemic days. Ako na yung nakuha. So, 2022? 2022? 2022? January or March 2022, nag-CL3 na ako. So, ngayon po, ay head na kayo ng? School of Statistics. College Librarian 3.

Path to Librarianship