
Yedda Marynel Arce


Ano kasi, first hand ko siyang na-experience. Actually, sa isa nating LGBT na ka-work din. Kasama ko siya, tapos nasa isang office kami. Tapos parang harapan talaga kami. Alamin, harapan na meron mga remarks. Alam yun, meron namang microaggressions talaga sa office. Hindi naman mapagkakaila yun. Tapos parang that time, medyo na-feel bad ako. Kasi parang, andon sa isip ko na, oh my God, part ka ng GAD committee, chair ka pa, tapos wala akong nagagawa. Wala akong nagawa to defend yung kasama mo, ka-work, na parte na LGBT. Kasi parang minsan, ang hirap niyang ipaglaban na lagi na lang siyang tinitake and against him. Alam mo yun, yung mga ganong initiative. Tapos parang lagi ko rin naman ako nagkoconsult sa ibang, sa mga previous na mga GAD chair na, yun nga, ah, mahirap kasi talaga siyang ipaglaban. Hala, naiyak ako! Mahirap talaga siyang ipaglaban. Mahirap yung GAD work. Mahirap maging advocate, lalo kung yung mga taong nakalibot sayo hindi suportado. So ang hirap sa work. Pero yung mga ganung bagay, dati, pinanghinaan ako ng loob. Pero ngayon, parang mas naging, mas may nagpupush sa akin para siyempre maging ma-open sa mga colleagues or sa library users na ito na tayo ngayon eh. Let's leave it all in the past na parang we should all be aware kung ano nang nangyayare sa mundo. And hindi na siya dapat, hindi na siya taboo eh, alam mo yun, yung idea na yun. Dapat mas maging aware sila. Instead na mapahinaan ako ng loob, mas nag-iisip ako ng ways para mas maging aware lahat ng mga tao. Sa LGBT people. So ngayon, nakaka-experience ka pa ng mga ganong klaseng microaggression sa work? Ako hindi ah. Pero madami na nagsasabi sa akin. At saka hindi na rin naman, open secret na rin naman ito na andami na rin gender-based violence na nangyari inside the university library. Not only sa main library, pero sa ating college or unit libraries. So parang it's time na din, alam niyo, na ano eh, walang mangyayari kung walang mag-step up. And I'm happy with our committee na iisa tayo lahat. Alam mo yun, isa yung advocacy natin. Isa yung pinaglalaban natin. And yun yung pinaka-importante bagay talaga. Isa yung pinaglalaban nyo. Kasi kung isa sa team natin ang mapaghihinaan ng loob, walang mangyayari eh.
Challenges in Advocacy
