Yedda Marynel Arce

Yun lang. Yung pinaka hindi ko makakalimutan yung ginamit yan against sakin. Nung paalis na ako. Yung mag reresign na nga ko. Na parang naisip ko nun ganun kaliit yung tingin ng mga tao sa LGBT na parang sobrang kulang pa talaga sila sa awareness. Siguro iniisip ko na lang nung time na yun hindi rin open kasi yung school dahil nga conservative sila. Catholic pa. So, syempre mahirap naman ipasok lage yung mga ganun topic, di ba? So parang, paano? Paano sila ma-reach yung mga gano'ng… Like, unlike dito sa UP, sobrang alam mo yun, open siya eh. Even, biruin mo naman, thomasian ako sis. Tapos di ba, yung pinaglalaban mo, di ba, tungkol doon. Yun lang naman yung challenge na na face ko sa career ko. Pero doon sa institution na yun, hindi talaga accepted or acknowledged as in ayaw talaga nila at all? Kasi di ba merong mga Catholic school na tanggap naman pero huwag sanang sobrang halata? Meron. Not all naman, di ba? Pero yun kasi hindi. Ito ah, bibiyan kita ng, parang alam mo kung paano sila. Sa students lang nila, sis, para silang may mugshot. Lagi yung mga bata. Yung mga nagpapagupit ng siyempre, pixie cut. Dahil nga, gano'n nila gusto i-express yung sarili nila eh. Parang ibigay mo na yun sa kanila. Pinapasuot mo na nga sila ng uniform na, alam mo yun? Di ba, may ibang school na nag-open na na pwede na mag-pants. I mean, kung anong gusto nilang suotin yung uniform. Di ba? May mga ganung schools. Eh, yung school na yun, sobrang traditional nila. Alam mo, like every after assembly, flag ceremony, makikita mo na doon sa isang office ng... Anong office yun? Parang guidance. Parang gano'n. Ang haba ng pila ng mga bata. Lahat nung mga naka pixie cut. Tapos pipicturean sila para silang may mugshot. Just because in-express nila yung sarili nila na gusto nila na short hair sila. May balita ka pa ba na ganun pa din sila? Until now, ganun pa din ang practice nila. Sabi ko, students pa lang yan ah. What more kung malaman pa nila ako na part ako ng LGBT? Kaya nga, yun yung isa sa mga pinapasalamat ko sa UP. Kasi syempre dito open na lang eh. Sobrang open lang. Parang bihira, unti na lang din naman yung mga tinatake kong comments. Usually, dito na lang naman yung sa loob eh. Pero pagdating mo sa labas, parang sabi ko nga pag umiikot ako sa oval, wala na akong makitang straight couple. Alam mo yun? Parang... Parang... Parang balikad na. Parang sobrang rare. Pag nakakita ako ng straight couple. Omyghad may isa. Dati kasi hindi eh.

Discrimination in a Conservative Institution