Yedda Marynel Arce

Parang looking back sa dati kong work. At saka ito pa, sis. I mean, in relation sa LGBT. Naging, alam mo, hala, makuha ko ng ibang questions. Medyo nag-struggle kasi ako dun sa dati kong work. So, Catholic all girl school. So, parang, nung time na yun, hindi ako out. Kasi alam kong ma slander ako. Kung malalaman nilang may partner ako, sobrang strict na mga madre. At baka isa po yun sa rason para ako mapaalis. So, hanggang sa nagkaroon kami ng problem ng boss ko, ganyan, kaya ako nag-resign. Pandemic yun sis ah at regularization ko yun. Umalis ako dun sa work ko kasi hindi ko na gusto yung treatment sa akin. Nung nagusto yung treatment ng administration. So, umalis ako. Tapos, nung mag-resign, as in last day ko, nag-usap kami ng boss ko para naman at least, di ba, i-closure namin bago ko umalis. Kasi syempre, maliit lang muna ng librarian, magkikita't magkikita kami. So, ano mo bang binangit niya sa akin? Sabi niya, ah, hindi ba kaya ako umalis dito kasi yung partner mo? Gumanun sya. So, parang... Nagpintig yung tenga. Nagpintig talaga yung tenga. Kaya parang, ba't kailangan mong i-relate yun sa pag-alis ko? Na, in fact, ikaw yung rason kung bakit ako umalis. And, hindi siya dapat maging rason. Alam mo yun? Para umalis ako. Ialis niyo ako sa institution na yun. So, nung time na yun, dedma na lang ako. Kasi, wala eh. Umalis na rin naman ako. Kasi, okay, isipin mo anong gusto mo isipin. Pero hindi ako makikipag-deal sa'yo. Dahil personal ko na yan. Hindi mo dapat yan hinahalo sa work. So, yun yung isang rason. Gusto ko na rin umalis sis. Kasi, grabe talaga. Walang protection ang mga LGBT doon. So, after mo doon sa sinasabi mong institution, dito ka na agad sa UP? A year after. Kasi pandemic. Natenga ako ng one year. Pero, yung tenga na yun, tinapos ko yung acads ko sa grad school. Kaya, na-stuck naman ako ngayon sa thesis. Pero sabi ko, yun yung goal ko sa buong year na yun habang naghihintay ako ng work na, alam mo yan? Kaya, habang hinihintay ko yung UP. Sabi ko, sige, i-ano ko muna. Kasi ilang beses ako nag-apply din. Sabi ko, ah, matagal sigruo talaga kasi government. Sabi ko, sige, mag-focus muna ako sa grad school ko. So, yun na. Then came UP. Ayun na, nag-out na si bakla.

From Silence to Authenticity