Yedda Marynel Arce

Siguro yun na, yung upcoming na gender sensitivity training na. So, ayun, parang mas maging open na yung mga librarians natin sa kung paano tayo makikitungo sa mga library users natin. Not only, syempre, alam mo naman, frontline na rin naman tayo sa mga library users. So, at least, they know how to deal sa ating mga library users. And at the same time, ma utilize natin yung iba't iba nating mga library resources. Kasi ang dami natin yung library resources na available na part ng, alam mo ba sa CSWCD sobrang ganda ng library collection doon, yung mga thesis ng mga students on gender studies. Ang ganda. Actually doon ako na-inspire. Actually naiisip ko pa rin naman sa committee natin, kasi dami na nating activities in line, di ba? Pero hoping ako na magkaroon tayo sana ng GAD Corner para ma-display natin, not only sa Pride Month, pero at least meron tayong corner na pwedeng puntahan ng mga students. At tsaka, para alam mo yun, isang way na rin yun to raise awareness eh about the LGBT community. Sobrang daming gandang thesis, papers at research papers ng mga UP students na pwede natin yung idisplay. Pwede natin i-highlight. So ang advocacy ko talaga is gender equality. Siyempre, yun nga, saklaw kasi hindi lamang ang LGBT. Ayun, parang gusto kong malaman na lahat at maging aware, not only yung users. Actually, wala akong problema sa library users eh. Medyo mas concerned ako sa mga colleagues natin. Kasi yung mga users, aware na yan eh. I mean, hindi naman sa fully aware. Pero at least, hindi na nga bago sa kanila yung idea. Pero sa ating mga colleagues kasi, mas sila yung mas kailangan nila ng awareness sa LGBT. Kasi hindi naman mapagkakaila na meron talaga tayong mga katrabaho na alam mo yung traditional mag isip. At syempre, hindi natin yun mababago yung thinking nila. Pero at least, hindi tayo titigil na ipa-alam sa kanila yung mga ganun bagay.

GAD Initiatives and Inclusive Spaces