
Yedda Marynel Arce


Yes, siguro. Ay, hindi, hindi siguro. Yes. So, na-influence na talaga yung professional journey ko to. Syempre, mas naging aware ako. Mas naging open ako sa kung ano yung stand ko as an LGBT. As a part of the LGBT community. Hindi, wala-wala. Hindi, yan nga. Kasi hindi palagi yung sinasabi kanina na parang hinahanap ko pa rin yung reason ko kung bakit ako nandito sa library science. Sabi ko. Pero noon nga, nang pumasok si GAD, tapos nabinigyan ako ni Ma'am Elvie (Elvira Lapuz) ng role sa GAD. So sabi ko, parang nagkaroon ako ng... parang nagkaroon ng spark na yung ginagawa ko na parang mas naging open ako sa mga gender-related issues, especially sa work natin. Parang, lalo na dito, ang hirap ipaglaban. I mean, alam naman natin na ang LGBT may matagal ng pinaglalaban. Tapos, ang hirap pa na kailangan mo pa siyang ipaglaban sa work mismo. So, as a professional, parang, at dahil part tayo ng committee na yun, parang, mas nagkaroon ako ng, parang push para mag-create ng mga activities na ganyan. Tapos, di ba, early, ayun, hindi ko pa kayo na-update, pero meron tayong gender-sensitive traning. Yeah, na-specialize for the university library. At si ate Aiz yung isang mag ta-talk. Kasi, syempre, gusto ko kasi, parang aware yung mga ibang staff kung paano sila makikipag-deal sa mga library users, especially ng part ng LGBT community. Kasi, katulad natin dito, ang dami ko na nakikita actually sa building natin, sa temporary location naman tayo. Wala kasi tayo all-gender restroom. So meron akong mga library orientation na ang mga professors ay part na ng LGBT. Meron na ng trans, may mga nakausap akong trans, meron na akong nakausap ng gay. Tapos sabi ko, yung mga ganong simple yung bagay, parang napakahalaga non. Parang hindi mo siya bigyang diin.
Identity and Career
